April 10, 2026

Home SHOWBIZ

‘Wala kayong iniba kay Bong Suntay!’ Journalists, nadamay sa galit ni Jasmine Curtis

‘Wala kayong iniba kay Bong Suntay!’ Journalists, nadamay sa galit ni Jasmine Curtis
Photo Courtesy: Lourd De Veyra, Jasmine Curtis, Ed Lingao (FB)

Maging ang dalawang batikang mamamahayag na sina Manny Mogato at Ed Lingao ay nadawit sa galit ng aktres na si Jasmine Curtis dahil sa pambabastos sa kapatid niyang si “It’s Showtime” host Anne Curtis.

Sa X post ni Jasmine noong Martes, Marso 3, pinuna niya ang reaksiyon nina Manny at Ed nang kapanayamin ng dalawa si 4th District Quezon City Rep. Bong Suntay sa programang “Storycon.”

“BAKIT TUMATAWA UNG MGA LALAKING HOSTS SA PAGTATANONG NILA?????? WALA KAYONG INIBA KAY BONG SUNTAY,” saad ni Jasmine.

Ngunit depensa naman ni Ed sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Marso 4, “Napanood kaya niya ang buong interview bago magtweet?”

“Yung iba namang nagkokomento na takot daw kami at bahag ang buntot kaya kami natatawa - I seriously don't think we have the same threshold for fear,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Sey mo Dominic? Selfie nina Rico, Sue minalisya!

Matatandaang binanggit ni Suntay ang kontrobersyal na pahayag tungkol kay Anne sa gitna ng kaniyang manifestation sa pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ibinahagi niya ang isang personal na halimbawang tumukoy kay Anne bilang analohiya sa naging partisipasyon umano ng Bise Presidente sa mga rally at sa mga pahayag nito tungkol sa pagiging “designated survivor.”

Aniya, “Minsan nasa Shangri-La ako, nakita ko si Anne Curtis. Ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na nag-init talaga, at na-imagine ko na lang kung ano ang puwedeng mangyari.”

“Pero siyempre hanggang imagination lang ’yon,” dugtong pa ni Suntay.

Samantala, nagpaabot naman na ang kongresista ng paumanhin para sa lahat ng nasaktan, lalo na kay Anne. Ngunit pinanindigan pa rin niya ang kaniyang sinabi.

"I stand by my statement," ani Suntay. "That analogy was used to prove that statements are oftentimes taken out of context. Nagsisisi ako na may nasaktang mga kababaihan because that was never the intention ng aking statement."

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Anne hinggil sa isyu.