February 14, 2026

Home SHOWBIZ

Tony Labrusca, relihiyosyong tao; ‘di makikipagbardagol sa bashers

Tony Labrusca, relihiyosyong tao; ‘di makikipagbardagol sa bashers
Photo Courtesy: Tony Labrusca (IG)

Wapakels na ang aktor na si Tony Labrusca sa mga basher na pumuputakti sa kaniya. 

Sa panayam ng mga entertainment media kamakailan, sinabi ni Tony na relihiyoso umano siyang tao at wala siyang balak pang problemahin pa ang mga bagay na hindi niya kontrolado.

“I'm very religious, but hindi lang halata. But God says, 'Don't worry. Just do your best, and God will handle the rest.’ If there's something you can't control, hindi mo na problema ‘yon,” saad ni Tony.

Dagdag pa niya, “If you guys want to keep bashing me and talking about me, I'm not gonna fight back. That's your prerogative. It's out of my control. So I feel like there's nothing I can do.”

'Kawawa mga anak niyang babae!' Rere Madrid, inalmahan pambabastos ng inang netizen

Pero sakali mang makagawa siya ng mali, sisikapin umano ng aktor na matuto mula roon. Bukod dito, inamin din niyang hindi siya perpektong artista.

Aniya, “I’m not perfect. I know I’m in showbiz, but this is me and my personality. And I’m sorry if that doesn’t check the box of being a perfect celebrity. I’m really sorry.”

Matatandaang isa sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ni Tony ay nang makasuhan siya ng acts of lasciviousness na kalaunan ay naabswelto naman noong 2022.

Maki-Balita: Tony Labrusca, masaya matapos maabsuwelto sa kasong acts of lasciviousness: "Mabuti akong tao"