May 22, 2026

Home SHOWBIZ

Talo sa eleksyon pero nakapagpakulong! Ogie, pinagtanggol si Trillanes kay SILG Remulla

Talo sa eleksyon pero nakapagpakulong! Ogie, pinagtanggol si Trillanes kay SILG Remulla
Photo Courtesy: Antonio Trillanes IV, Ogie Diaz (FB), via MB

Dinepensahan ni showbiz insider Ogie Diaz si dating Senador Antonio Trillanes IV mula sa pang-ookray ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla.

Matatandaang sinagot ni Remulla ang naunang pahayag ni Trillanes laban sa kaniya dahil sa kawalan umano niya ng aksyon para arestuhin si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Ani Trillanes, “If you think, at one point, he cannot tough yong incompetence niya. Talagang he keeps on doing himself.”

Maki-Balita: 'I give up on the guy:' Trillanes, suko na raw kay SILG Remulla!

“There’s a reason why Trillanes lost three elections in a row. He’s arrogant first. He thinks later,” sagot naman ni Remulla.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Ngunit sa isang Facebook post ni Ogie noong Sabado, Mayo 16, sinabi niyang bagama’t talo  sa eleksyon, napaka-powerful pa rin umano ni Trillanes at pinanginginigan umano ng tumbong.

“Saka para sagutin at kontrahin nyo yung mga statements ni Trillanes, isa lang ang ibig sabihin niyan — relevant pa din siya.  Alam nyong marami pa rin ang naniniwala sa kanya,” saad ni Ogie.

Dagdag pa ng showbiz insider, ‘Maraming galit kasi alam nilang tama ang ipinaglalaban habang yung iba’y nagtatakipan ng mali. Partida: talo pa yan sa eleksyon ha? Pero nakakapagpakulong.”

Matatandaang naligwak si Trillanes nang kumandidato siyang Bise Presidente noong 2016, gayundin noong 2022 nang tumakbo siyang senador, at noong 2025 naman bilang kandidato sa pagkaalkalde ng Caloocan.