Matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan ay balik na ulit sa limelight ang aktor na si Tony Labrusca, katambal ang beauty queen-turned-actress na si Ariella Arida, para sa pelikulang 'Breathe Again' ng Vivamax.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/06/04/maniac-tony-labrusca-kinasuhan-ng-acts-of-lasciviousness-sa-makati/">https://balita.net.ph/2021/06/04/maniac-tony-labrusca-kinasuhan-ng-acts-of-lasciviousness-sa-makati/

Nauntag si Tony tungkol sa kasong kinaharap niya, na ibinasura na ng korte noong Marso 17 ni Judge Xavier Paolo del Castillo

"The charge imputed against him was found to have no basis. After observance of due process, Tony Labrusca has been cleared of profoundly damaging judgments that has tarnished his name,” saad noon ng legal counsel ng aktor na si Atty. Joji Alonso.

Ogie Diaz, pinayuhan ang BINI na 'wag nang mag-Jabbawockeez ulit

Pakiramdam ni Tony ay nakahinga na siya nang maluwag dahil 'justice is served' na raw.

"Happy ako na nakaka-move on ako, nakakahinga na uli, literally. I’m just grateful. Wala naman akong ginawang masama. Mabuti akong tao."

“Kailangang mag-ingat dahil may masasamang tao talaga sa paligid mo. Napakahirap talagang magtiwala ngayon.”

Bukod sa pelikula na maipapalabas sa Vivamax, kabilang din si Tony sa pelikulang 'Asian Persuasion' ni Grammy-winning producer at director na si Jhett Tolentino. Kasama rin dito ang anak ni Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion.