May 22, 2026

Home BALITA

35 Pinoy sa Qatar, ligtas nang nakauwi sa bansa!

35 Pinoy sa Qatar, ligtas nang nakauwi sa bansa!
Photo courtesy: DMW


Aabot sa 34 na Overseas Filipino Workers (OFWs) at isang dependent mula sa bansang Qatar ang matagumpay nang nakauwi sa bansa, batay sa ulat ng Department of Migrant Workers (DMW).

Ayon sa DMW noong Sabado, Mayo 16, ito ay bahagi ng repatriation program ng bansa para sa mga Pilipinong sa kasalukuyan ay nasa Gitnang Silangan.

Anang DMW, lulan ang 35 Pinoy ng Qatar Airways Flight QR934 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.

Katuwang ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), New NAIA Infrastructure Corporation, at Manila International Airport Authority (MIAA) medical team, agad na sinalubong ng DMW ang mga repatriated Filipinos at inabutan ng tulong medikal, pinansyal, transportasyon, at pansamantalang matutuluyan.

Binigyang-diin din ng DMW na magpapatuloy ang kanilang mga programa para masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pinoy mula sa ibayong-dagat, na siyang nakabase sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'