Inamin na mismo ng Brazilian beauty queen at actress na si Priscilla Meirelles na nadiborsyo na ang kasal nila ng aktor na si John Estrada, nang ihain niya ito noon pang 2024.
Naganap ang diborsyo ng kasal ng dalawa sa korte sa Brazil.
Natanong si Priscilla tungkol sa estado ng kasal nila ni John, nang mag-guest siya sa "Fast Talk with Boy Abunda" sa GMA Network kamakailan.
"So officially today as we talk, you are divorced?” diretsahang tanong sa kaniya ni Boy.
Diretsahang sagot naman ni Priscilla, "Oh yeah. He has been informed last year, that's why he gave an interview saying that he would remarry me."
Matapos ang ilang mga pinagdaanan sa kanilang relasyong mag-asawa, inamin ni Priscilla na hindi na niya nakikita ang sariling makakasama pa si John habambuhay, kaya nagdesisyon na siyang mag-file ng divorce.
"For me, the marriage is no longer valid, I don’t see myself sharing a life with that person anymore. I fought for 14 years and I got to the point where hindi ko na kaya and I realized after a lot of things that happened, the best thing for me is to really move forward mag-isa."
Hindi raw natuwa si John nang malaman niya ang ginawa ng ex-wife.
"He was not happy. The first sentence he said was ‘Pri, bakit ginawa mo ‘yan?’ And sinabi ko sa kaniya, because as I’ve told you, I don’t see myself sharing a life with you anymore, and I don’t think there’s a reason to stay married to you if I don’t see myself with you as my partner, as my companion. I don’t see a future with you," paliwanag pa niya.
Matatandang naging kontrobersiyal ang ilang cryptic posts ni Priscilla laban kay John, lalo na nang magtungo ito sa Boracay at umano'y maispatang kasama ang isang babae.
Bagay na mariin namang pinabulaanan ni John, at sinabing sa Boracay lamang niya nakilala ang nabanggit na babae at wala umano siyang relasyon sa kahit na sinong babae.
Kaugnay na Balita: John Estrada, naispatang may kasamang afam na bebot sa bar
Kaugnay na Balita: Taray! Hugot post ni Priscilla Meirelles, boldyak kay John Estrada?
Kaugnay na Balita: John Estrada, nagsalita na sa lumutang na video kasama ang isang babae
Dito ay inamin naman ni John na may pinagdaraanan ang relasyon nila ni Priscilla.
Kaugnay na Balita: John Estrada, nilinaw na wala siyang relasyon kay Lily Hallman
Pero pag-alma naman ni Priscilla, nang mga sandaling iyon ay kasal pa rin sila ni John, at sinabing wala umano silang "mutual agreement" tungkol sa umano'y paghihiwalay nila.
Kaugnay na Balita: Priscilla, shookt sa sinabi ni John na 'mutual' pansamantalang hiwalayan nila
Ikinasal sina John at Priscilla noong 2011 at binayayaan naman sila ng isang anak noong 2012, na si Anechka.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag mula sa kampo ni John hinggil sa rebelasyon ni Priscilla tungkol sa kasal nila.