Ibinahagi ni Bishop Oriel Ballano ang naging pagbisita niya sa Senado kung saan ipinagdasal niya ang ilang mga senador, nitong Martes, Mayo 19.
Sa kaniyang social media post, sinabi ni Ballano na nagtungo sila ng kaniyang mga kasamang pastor sa Senate House upang dalawin at ipanalangin si Senate President Alan Peter Cayetano, gayundin ang dalawa pang senador na sina dating Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, at kasalukuyang chairman ng Senate Committee on Finance na si Sen. Mark Villar.
“At the Senate House just to visit and prayed for our SP Allan Peter Cayetano,” saad ni Ballano.
Kasama umano ni Ballano sa naturang pagbisita sina Pastor Dave Galido, Pastor Fred DeChaves at Pastor Ike Serapio.
Sa huli, nanalangin si Ballano para sa paggaling at pagkakaisa ng bansa.
“Lord heal our land as we humbled ourselves and prayed,” ani niya.
Umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang naturang post, lalo na mula sa mga sumuporta sa panalangin para sa mga opisyal ng pamahalaan at sa bansa.
Si Cayetano, ay naging Senate President noong Mayo 11 matapos makakuha ng majority votes at mapatalsik si dating Senate President Tito Sotto III, na ngayon ay Senate minority leader.
Si Estrada naman ay nahaharap umano sa mga kaso gaya ng plunder at graft.