Tila hindi na rin kinaya ng isang fur baby ang nararamdamang init sa bansa matapos itong tumambay sa kanilang refrigerator upang magpalamig.
Mapapanood sa ngayo’y viral video ng asong si Hiro na chill siyang nagpapalamig sa loob ng refrigerator at nang sinubukan siyang ilabas ng kaniyang fur mom, nang-aamba na ito ng kagat dahil mukhang ayaw pa muna niyang lumabas dito.
Sa maikling panayam ng Balita sa fur mom na si Maricel Abrogueña, ibinahagi niyang ipinasok nila saglit si Hiro sa refrigerator Biyernes, Mayo 15 dahil nakita nilang hinihingal ito ng banda 1:30 ng tanghali.
“Pinasok po namin sya saglit sa ref dahil hiningal po sya at 1:30 po ng tanghali,” ano Maricel.
Ibinahagi pa ng fur mom na sa mga normal na araw, naglalagay sila ng yelo sa tubig ni Hiro at tinututukan ito ng electric fan upang malamigan sa kasagsagan ng matinding init.
Sa kabilang banda, dahil umani na ng 27.6K ang engagement ng video ni Hiro sa Facebook, nakisimpatya rin ang netizens sa kaniya.
“Parang c bebe charlie namin hehe pag nag open ng ref sumisiksik ayaw nia iclose”
“Hahaha katuwa talaga sila”
“Nasstress na po sya cguro sa init.. kawawa naman.. keep hydrated your furbaby din po..”
“gusto malamig kawawa”
“Mainit kasi panahon. Pati alagang aso ramdam.”
Habang ang ilan naman, nagpadala ng concern kay Maricel dahil sa ambang pangangagat ni Hiro nang pinapababa na siya.
“This would have been cute if not for the snarling against his hooman. Just be careful hooman you’d have to assert your alpha position before someone gets hurt. The snarl and snap are aggressive warnings and actions.”