December 05, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Taray! Hugot post ni Priscilla Meirelles, boldyak kay John Estrada?

Taray! Hugot post ni Priscilla Meirelles, boldyak kay John Estrada?
Photo courtesy: Priscilla Meirelles, John Estrada (IG)

Mukhang may pinatatamaan daw ang misis ni John Estrada na si Priscilla Meirelles sa kaniyang Instagram story, patungkol sa pagiging "option."

Mababasa sa kaniyang "hugot post," kapag ginawa kang option lang ng isang tao, gawin siyang "memory" na lang o alaala.

"When someone makes you an option, make them a memory," mababasa sa post.

Photo courtesy: Screenshot from Priscilla Meirelles (IG)

Matatandaang kamakailan lamang ay usap-usapan ang isang viral video kung saan makikita si John na tila may kasamang afam na bebot sa isang bar.

Relasyon at Hiwalayan

Karylle, pinagsasalita sa hiwalayan nila noon ni Dingdong

Sa reel na ibinahagi ng nagngangalang "Keken Quiñonez," makikita ang tila pag-akbay ni John sa kaliwang balikat ng nabanggit na babae.

Sa isa pang eksena, makikita namang nakaupo na sila sa kanilang puwestong mesa habang tila may tinitingnan sila sa phone. Makikita naman ang mga bote ng inuming nakalalasing sa ibabaw ng mesa.

"Mag chill mo na dw si rigor lena," mababasa sa caption ng post.

"Pakisaby ky marites at Lena mamaya Pa daw uwi si rigor," mababasa pa sa text caption na makikita sa mismong video.

Ang pangalang "Rigor" ay karakter ni John sa Batang Quiapo, at ang "Marites" naman ay legal wife niya sa kuwento na ginagampanan ni Cherry Pie Picache. Ang "Lena" naman ay kaniyang kerida o kabit sa istorya na ginagampanan naman ni Mercedes Cabral.

Sa sobrang patok ng serye, nagawan na nga ng kanta ang naging sikat na linyahan ni Lena na "Bili mo 'ko liempo, Rigor" na naging dahilan din para kunin silang endorsers ng isang kompanya.

Hindi naman malinaw kung kailan eksaktong nakunan ang nabanggit na video o kung recent lang. Hindi rin malinaw kung ano ang relasyon ni John sa nabanggit na afam.

KAUGNAY NA BALITA: John Estrada, naispatang may kasamang afam na bebot sa bar

Noong Setyembre 20, 2024, namataang nasa iisang event ang mag-asawang John at Priscilla Meirelles sa Singapore para sa F1 Singapore Grand Prix 2024, pero hindi sila nag-post ng mga larawan na magkasama sila. Bagkus, hiwalay pa nga ang kani-kanilang posts tungkol dito.

Matatandaang kamakailan lamang ay nagkaroon ng "marital problems" ang dalawa, at nagmula mismo kay John na mutual agreement nilang mag-asawa na medyo mag-lie low muna sa isa't isa, bagay na pinabulaanan naman ni Priscilla.

"To clarify, there was never any mutual agreement regarding our separation. We were married when I left the Philippines, and we remain married as of this time," mababasa sa Instagram post ni Priscilla.

Hanggang sa mga oras na ito ay nananatiling kasal pa rin daw ang dalawa, at wala pang balita o update hinggil sa mga kung anumang legal na hakbang ang nais nilang gawin sa marital problems na kanilang pinagdaanan.

KAUGNAY NA BALITA: Priscilla, shookt sa sinabi ni John na 'mutual' pansamantalang hiwalayan nila

Samantala, sa isang panayam naman ng Philippine Entertainment Portal o PEP kay John, sinabi niyang wala siyang pinagkakautangan sa sinuman para magpaalam o magpaliwanag kung sino ang mga gusto niyang makasama o maging kaibigan.

"Once and for all, I'm going to say this, I have every right to befriend who I like to be friends with. Male or female. Like any normal human being. The only difference is I'm a public figure," saad ni John.

KAUGNAY NA BALITA: John Estrada, nagsalita na sa lumutang na video kasama ang isang babae