May 21, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Bago mag-med school: Rabiya Mateo, sinulit ni Jake Cuenca sa Hong Kong!

Bago mag-med school: Rabiya Mateo, sinulit ni Jake Cuenca sa Hong Kong!
Photo courtesy: Rabiya Mateo (IG)

Kinakiligan ng mga netizen ang couple na sina Kapuso actress at Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at Kapamilya actor Jake Cuenca matapos ibida ng una ang paglalagalag nila sa Hong Kong Disneyland.

Sey ni Rabiya, more gala muna sila ni Jake bago pa man siya sumabak sa bagong journey na kaniyang tatahakin: ang pagpasok sa medical school.

Pinasalamatan ni Rabiya ang kaniyang jowang si Jake para sa HK trip nila.

"Few more gala before medschool @juancarloscuenca thank you for this trip," saad ni Rabiya sa kaniyang caption, sa Instagram post niya kalakip ang mga larawan nila ni Jake.

Tugon naman ni Jake, "The best day ever! Congratulations im so proud of the incredible woman that you are."

Relasyon at Hiwalayan

Endgame unlocked! Cristine Reyes, Gio Tingson engaged na

Siyempre, nireplayan naman ito ni Rabiya, "Thank you for being supportive of my dreams. Im so proud of you too."

Nagpaabot naman ng pagbati para sa kaniya ang mga kapwa celebrity at netizens.

Isa sa mga umuntag sa kaniya patungkol sa med school si Kapuso Goddess Carla Abellana.

"Wow! Med school?!?" tanong ni Carla.

Sey naman ni Rabiya, " yes Carla. I just got accepted in UST."

Sa isang panayam kay DJ Chacha, sinabi ni Rabiya na bago pa man siya sumabak sa beauty pageant, pangarap na niya talaga ang maging isang medical doctor, at naniniwala siyang "calling" niya ito, at dream school naman daw niya ang University of Santo Tomas. Inspirasyon ni Rabiya ang kaniyang amang doktor.

Well, nakatapos si Rabiya sa Iloilo Doctors' College bago pa man siya sumikat bilang MUPH 2020 at pasukin ang showbiz.

Kamakailan nga, naging usap-usapan si Rabiya matapos niyang makakuha ng 741 score sa National Medical Admission Test, at nahigitan pa ang fictional character na si Linda Walker.

Si Rabiya ang Top 1 sa mga kumuha ng pagsusulit sa buong bansa.

Ang NMAT ay isang standardized entrance examination na karaniwang requirement para sa mga nais makapasok sa mga medical school sa Pilipinas.