Ibinahagi ng journalist na si Ramon "Mon" Tulfo ang edad ni Chief Presidential Legal Counsel at dating Senate President Juan Ponce Enrile, batay sa anak nitong si Juan “Jack” Ponce Enrile Jr., na ayon naman sa mga talang nakuha sa isang simbahan sa Cagayan.
Pinabulaanan kasi ni Tulfo ang mga kumalat na balita at posts na pumanaw na ang dating senate president matapos ma-confine sa isang di-pinangalanang ospital dahil sa pneumonia.
Ibinahagi ni Sen. Jinggoy Estrada sa senate plenary session nitong hapon ng Martes, Nobyembre 11, ang tungkol sa ipinahatid ng reliable source tungkol sa kalagayan ni Manong Johnny.
Sa pangunguna ni Sen. Joel Villanueva, nag-alay ng panalangin ang mga senador para sa paggaling at pagbuti ng kaniyang kalusugan.
Ilang posts naman ang kumalat at nagsabing tuluyan na ngang binawian ng buhay ang dating senador.
Sa latest Facebook post naman ni Tulfo, sinabi niyang fake news lamang ang mga nagkalat na balita tungkol sa pagkamatay ng dating senador, dahil nagbigay ng update sa kaniya ang anak nitong si Juan “Jack” Ponce Enrile Jr., as of 9:08 ng gabi.
Sa kabilang banda, sinabi raw ni Jack na puwede nang mawala ang ama "anytime soon."
"The report that Juan Ponce Enrile has died is fake news," anang Tulfo.
"As of 9:08 p.m. today (Nov. 11, 2025), Enrile is still alive, according to his son, Juan “Jack” Ponce Enrile Jr. Jack said, however, his father may go anytime soon."
Nagbigay rin si Tulfo ng ilang detalye tungkol sa umano'y tunay na edad ng dating SP, na ang pagkakaalam ng lahat, batay sa opisyal na record, ay 101 anyos na.
Pero ayon daw kay Enrile Jr., kung pagbabatayan ang nakuhang tala mula sa simbahan sa Cagayan, ang Old Man Enrile ay 103 anyos na.
"According to official records, Old Man Ponce Enrile is 101 years of age."
"But Jack said records retrieved at the Aglipayan church in Cagayan show that Juan Ponce Enrile was born on June 22, 1922."
"That makes him 103 years old!" aniya pa.
KAUGNAY NA BALITA: Mon Tulfo ibinahagi update ng anak ni Enrile: 'Still alive, however, may go anytime soon!'
Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang panibagong update mula sa pamilya ni Enrile.