March 06, 2026

Home BALITA

Mon Tulfo ibinahagi update ng anak ni Enrile: 'Still alive, however, may go anytime soon!'

Mon Tulfo ibinahagi update ng anak ni Enrile: 'Still alive, however, may go anytime soon!'
Photo courtesy: Ramon Tulfo (FB)/via MB

Pinasinungalingan ng mamamahayag na si Ramon "Mon" Tulfo ang mga kumakalat na post at balitang sumakabilang-buhay na si Chief Presidential Legal Counsel at dating Senate President Juan Ponce Enrile, matapos ma-confine sa isang di-pinangalanang ospital dahil sa pneumonia.

Ibinahagi ni Sen. Jinggoy Estrada sa senate plenary session nitong hapon ng Martes, Nobyembre 11, ang tungkol sa ipinahatid ng reliable source tungkol sa kalagayan ni Manong Johnny.

Sa pangunguna ni Sen. Joel Villanueva, nag-alay ng panalangin ang mga senador para sa paggaling at pagbuti ng kaniyang kalusugan.

Ilang posts naman ang kumalat at nagsabing tuluyan na ngang binawian ng buhay ang dating senador.

Sa latest Facebook post naman ni Tulfo, sinabi niyang fake news lamang ang mga nagkalat na balita tungkol sa pagkamatay ng dating senador, dahil nagbigay ng update sa kaniya ang anak nitong si Juan “Jack” Ponce Enrile Jr., as of 9:08 ng gabi.

Metro

Lalaki sa tuktok ng LRT-2 Antipolo Station, may mental health condition—Mayor Ynares

Sa kabilang banda, sinabi raw ni Jack na puwede nang mawala ang ama "anytime soon."

"The report that Juan Ponce Enrile has died is fake news," anang Tulfo.

"As of 9:08 p.m. today (Nov. 11, 2025), Enrile is still alive, according to his son, Juan “Jack” Ponce Enrile Jr. Jack said, however, his father may go anytime soon."

Nagbigay rin si Tulfo ng ilang detalye tungkol sa umano'y tunay na edad ng dating SP.

"According to official records, Old Man Ponce Enrile is 101 years of age."

"But Jack said records retrieved at the Aglipayan church in Cagayan show that Juan Ponce Enrile was born on June 22, 1922.

That makes him 103 years old!" aniya pa.

Photo courtesy: Ramon Tulfo/FB

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang panibagong update mula sa pamilya ni Enrile.