March 09, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Caelan Tiongson, ipagdadasal nagpapakalat ng 'hateful comments'

Caelan Tiongson, ipagdadasal nagpapakalat ng 'hateful comments'
Photo Courtesy: Caelan Tiongson (IG)

Pinahagingan ni Philippine Basketball Association (PBA) player Caelan Tiongson ang mga basher na pumuputakti sa mga mahal niya sa buhay.

Sa isang Instagram story ni Caelan noong Huwebes, Marso 6, sinabi niyang ipagdarasal niya raw ang mga nagpapakalat ng “hateful comments.”

Ayon sa kaniya, “Praying for all those who spread hateful comments this morning If you’d like to throw it my way, that’s fine!”

“But family, friends, and teammates are undeserving of it. Nevertheless, I hope you have a blessed day,” dugtong pa ni Caelan.

Tsika at Intriga

Mayor Mark Alcala, ginagamit si Kathryn Bernardo para sa kandidatura?

Matatandaang nali-link si Caelan kay BINI member Aiah Arceta matapos nitong maispatang nanonood sa laro niya. Pero sa isang panayam ay tumanggi siyang magsalita sa personal na buhay ni Aiah.

MAKI-BALITA: PBA player na iniuugnay kay BINI Aiah, nagsalita na

Samantala, sa pamamagitan ng X post ay binasag na rin ni Aiah ang kaniyang katahimikan hinggil sa umaaligid na intriga sa kanilang dalawa ni Caelan.

MAKI-BALITA:BINI Aiah, nagsalita na matapos muling maispatan sa laro ni Caelan Tiongson