May 22, 2026

Home BALITA Politics

Sen. Robin, Sen. Kiko nagkainitan matapos pag-usapan inabot ni Sen. Bato sa Senado

Sen. Robin, Sen. Kiko nagkainitan matapos pag-usapan inabot ni Sen. Bato sa Senado
Photo courtesy: Senate of the Philippines/YT


Tila nagkaroon ng tensyon sa pagitan nina Sen. Robin Padilla at Sen. Kiko Pangilinan matapos nilang mapag-usapan ang nangyari kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado noong Lunes, Mayo 11.

Sa ginanap na ika-62 na sesyon ng Senado nitong Martes, Mayo 12, inilahad niya ang aniya’y pagresponde ng Commission on Human Rights (CHR) sa inabot ni Sen. Bato matapos muling magpakita sa Senado—matapos ang pagliban nito sa mga sesyon mula pa noong Nobyembre 2025, at ang pagpapaliwanag sa kaso ng nabanggit na mambabatas.

“Gusto ko lamang pong ibalita sa ating mga kasama na naging maganda po ang responde ng Commission on Human Rights (CHR)—sapagkat kaninang umaga po, nakipagpulong sila sa atin, at nakipagpulong po sila sa USAA at kay Sen. Bato Dela Rosa patungkol po sa nangyari na karahasan at pang-aabuso sa karapatang pantao ng ating mga kasama dito sa Senado,” ani Sen. Robin.

Aniya, “Gusto ko lamang din pong iparating sa ating mga taumbayan na magkakaiba po ang kaso ni Sen. Trillanes at Sen. De Lima sa kaso po ni Sen. Bato.”

“Dahil si Sen. Bato, ang warrant po niya, ay hindi galing sa Pilipinas. Ang warrant po niyan ay galing sa ibang bansa, sa isang dayuhang korte. Ito po ay malayo doon sa usapin na sila—ang kustodiya po ni Sen. De Lima at ni Sen. Trillanes dito lang sa Pilipinas,” dagdag pa niya.

Humiling din siya na sana ay pag-isipang mabuti ang mangyayari kay Sen. Bato, na sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng kustodiya ng Senado.

“Medyo ‘yon po ay pag-isipan nating mabuti. Dapat bang mangyari muli ang nangyari kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte? Dapat bang mangyari pa ‘yan muli sa isang Pilipino?” aniya.

Politics

Sen. Loren, niligwak na rin ng Kislap Diwa na pinangangasiwaan niya!

Agad namang nag-point of order si Sen. Kiko matapos ang pahayag ni Sen. Robin.

“My understanding is a committee was… this matter was already referred to the Committee on Rules? And any on all such manifestation should’ve been referred to the Committee on Rules,” saad naman ni Sen. Kiko.

Giit bigla ni Sen. Robin, inilabas daw ng International Criminal Court (ICC) ang warrant of arrest noon lamang Lunes ng gabi, kung kailan tapos na ang sesyon ng Senado.

“I understand Mr. President, and therefore I am appealing that perhaps this matter should be tackled in the committee rather than in this… in plenary, so that we can address other concerns, Mr. President,” tugon naman ni Sen. Kiko.

Biglang sumagot si Sen. Robin, na siya namang tinugunan ni Sen. Kiko.

“Papaano natin pag-uusapan ‘yong ibang…,” ani Sen. Robin.

“I still have the floor! And for the record Mr. President, we voted against Resolution No. 44, so to say that we have this resolution yes, but there are senators who voted against it, and therefore it is not necessarily our agreement with the points being raised by the good senator from Camarines Norte,” anang Sen. Kiko.

Matapos ang naturang palitan, kinilala naman ni Senate President Alan Peter Cayetano ang appeal, interpretasyon, at mensaheng ibinahagi ng dalawang mambabatas.