May 22, 2026

Home BALITA National

DepEd, inilunsad mental health helpline para sa mga mag-aaral

DepEd, inilunsad mental health helpline para sa mga mag-aaral
Photo courtesy: Unsplash, DepEd via MB

Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang pinalakas na “Learners TeleSafe Contact Center Helpline” upang mas mabigyang suporta ang mental health ng bawat mag-aaral sa bansa. 

Batay sa pahayag ng DepEd noong Lunes, Mayo 11, ang helpline na may numerong “#333733” ay mayroon nang direktang koneksyon sa National Center for Mental Health (NCMH) Crisis Hotline, upang matiyak ang agarang propesyonal na tulong sa mga mag-aaral. 

“Sa pag-uugnay ng ating #33733 Helpline sa mga dalubhasa mula sa NCMH, inilalapit natin ang kalinga at de-kalidad na healthcare sa bawat mag-aaral—dahil sa bawat tawag, tinitiyak natin na may katuwang sila tungo sa paggaling, kaligtasan, at panatag na kaisipan.” ani DepEd Sec. Sonny Angara. 

Ang inisyatibang ito ay alinsunod sa Republic Act No. 11223 o ang Universal Health Care Act at Republic Act No. 12080 o ang Basic Education Mental Health and Well-being Promotion Act, na kumkilala sa kahalagahan ng mental health at gampanin ng kabataan sa pag-unlad ng bansa. 

Sa kaugnay na ulat, unang inilabas ng DepEd - Disaster Risk Reduction Management Service (DRRMS) ang helpline system noong 2021, na binubuo ng mga contact number mula sa iba’t ibang organisasyon, na nagbibigay suporta hindi lamang sa mga mag-aaral, ngunit pati na rin sa mga guro, at ng publiko sa kasagsagan ng anumang mental at psychological distress. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato