Tahasang ipinahayag ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro na impossible raw na dumating ang araw na mapunta si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa sitwasyong kinahaharap ngayon nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.
Kasunod ito ng panawagang proteksyon ni Sen. Bato kay PBBM, kaugnay sa posibleng pag-aresto sa mambabatas; bunsod ng isinapublikong warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya para sa kasong crimes against humanity.
MAKI-BALITA: ‘Bilang Pilipino, protektahan mo rin ako!’ Sen. Bato, nananawagan kay PBBM-Balita
Sa isinagawang press briefing ng PCO nitong Martes, Mayo 12, iginiit ni Usec. Castro na imposible raw ito sapagkat hindi naman nagsagawa ng extrajudicial killings (EJK) sa kaniyang administrasyon.
“Sana tinanong n’yo muna kung anong kaso, kasi kung pag-uusapan natin kung madadala siya sa The Hague, that’s definitely impossible,” saad ni Usec. Castro.
“...kasi ang Pangulo ay hindi nag-commit ng EJK,” giit pa niya.
Sa kasalukuyan, nasa ilalim pa rin ng kustodiya ng Senado si Sen. Bato, matapos isailalim sa lockdown ang Senate Hall noong Lunes, Mayo 11.