May 19, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

PBA player na iniuugnay kay BINI Aiah, nagsalita na

PBA player na iniuugnay kay BINI Aiah, nagsalita na
Photo Courtesy: Caelan Tiongson, Aiah Arceta (IG)

Nagbigay na ng reaksiyon si Philippine Basketball Association (PBA) player Caelan Tiongson kaugnay sa intrigang may relasyon umano sila ni BINI member Aiah Arceta.

Sa panayam ng News5 kay Caelan nitong Lunes, Marso 3, sinabi niya kung paano niya nakilala si Aiah.

“I met her through a mutual friend, and she’s a great person. But I’m not gonna speak on her personal life any more than that,” saad ni Caelan. 

Samantala, hindi naman niya itinanggi na isa raw siyang Bloom, katawagan sa mga umiidolo sa BINI.

Aniya, “I'm a BINI fan. Yeah, for sure. Love their music."

Tsika at Intriga

Sen. Bato dela Rosa, bumisita kina Andrea Del Rosario?

Matatandaang nagsimula ang intrigang ito nang kumalat ang tsikang naispatan umano si Aiah na nanonood sa isa sa mga laro ni Caelan.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang pahayag o reaksiyon si Aiah hinggil sa nasabing intriga.