May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bago si Mayor Mark: Jericho, naunang jowa ni Kathryn sey ni Cristy Fermin

Bago si Mayor Mark: Jericho, naunang jowa ni Kathryn sey ni Cristy Fermin
Photo Courtesy: via MB, Mark Alcala (FB)

Nauna umanong umentra sa buhay ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo ang aktor na si Jericho Rosales bago dumating si Lucena City Mayor Mark Alcala.

Sa isang episode ng “Showbiz Now Na” kamakailan, inispluk ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin ang tsikang pangalawang karelasyon na umano ni Kathryn si Mark matapos nitong mahiwalay sa katambal niyang si Daniel Padilla.

“Bago pa lang daw silang nagkakahiwalay ni Daniel Padilla…sila na raw muna ni Jericho Rosales,” saad ni Cristy.

Tila napagtagni-tagni tuloy ng co-host niyang si Romel Chika ang mga pangyayari noong magkasamang tumatakbo ang dalawa sa Marikina.

MAKI-BALITA: Iniintriga! Kathryn at Jericho nagja-jogging sa iisang area, magkasama ba? 

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Anang showbiz columnist, “Kung minsan talaga, paniniwalaan mo ring ‘yong kuwentong ganyan, e. Kasi pagkatapos ng split up nila ni Daniel, wala naman siyang ibang sinamahan, e. Si Jericho lang ‘yong parang tinanggap niya.”

“Sabi pa, ang totoo niyan, sila muna ni Jericho bago si Mayor Mark, kaya lang kumontra si Mommy Min,” dugtong pa ni Cristy.

Matatandaang minsan na ring humirit si Jericho kay Kathryn na sana magkasama sila sa isang proyekto nang pumirma ng kontrata ang huli sa ABS-CBN noong Pebrero 2024.

Maki-Balita: Jericho, may request kay Kathryn sa contract signing ng aktres

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa naman talaga opisyal na ipinapakilala si Kathryn na bagong boyfriend niya matapos nilang mag-break ni Daniel, bagama’t nauugnay siya ngayon kay Mark.

Sa katunayan, ilang beses na silang naiispatang magkasama sa mga pampublikong lugar tulad sa airport at mall.

Maki-Balita: Kathryn, Mayor Mark namataan na naman sa airport?