May hiniling ang aktor na si Jericho Rosales kay Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo sa ginanap na contract signing ng huli sa ABS-CBN.

Bahagi ng nasabing event ang pagbibigay ng mensahe kay Kathryn ng kaniyang pamilya, kamag-anak, at malalapit na mga kaibigan para sa kaniyang bagong journey na tatahakin. 

Isa sa mga nagpaabot ng mensahe ay si Jericho sa pamamagitan ng isang pre-recorded video.

“Hey, Kath. I want to congratulate you too for the steps that you’ve been taking. Been watching you and you know you’ve been doing great,” saad ni Jericho. 

Dagdag pa niya: "I hope that we can work on something someday, and we will work on that promise."

National

Simula Abril 14: PBBM, ibinida ang malaking rollback sa presyo ng langis!

Matatandaang nauna nang magpahayag ng interes si Jericho na makatrabaho si Kathryn sa pamamagitan ng Instagram story noong Nobyembre 2023.

MAKI-BALITA: Jericho Rosales bet makatrabaho si Kathryn Bernardo

Samantala, kamakailan naman ay naging sentro ng intriga ang dalawa matapos silang maispatang nagja-jogging sa iisang area.

MAKI-BALITA: Iniintriga! Kathryn at Jericho nagja-jogging sa iisang area, magkasama ba?

Matatandaang pareho nang hiwalay ang dalawa sa kani-kanilang real-life partners na sina Daniel Padilla at Kim Jones.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA:  Matapos ang 10 taong pagsasama: Jericho Rosales, Kim Jones hiwalay na!