March 04, 2025

Home BALITA Eleksyon

Ogie Diaz kina Bam, Kiko, at Heidi: 'Matitino 'yan!'

Ogie Diaz kina Bam, Kiko, at Heidi: 'Matitino 'yan!'
Photo Courtesy: Ogie Diaz, Kiko Pangilinan, Bam Aquino, Heidi Mendoza (FB)

Pinagalanan ni showbiz insider Ogie Diaz ang mga matitinong senador na tumatakbo ngayong 2025 National and Local Elections (NLE).

Sa isang episode ng “Ogie Diaz Showbiz Updates” kamakailan, ibinahagi ni Ogie ang tatlo sa mga iboboto niyang senador.

Ayon sa kaniya, “Tinatanong ako. Sino ba iboboto mong senador? Ito, hindi ako magbabanggit ng twelve. [...] Si Bam Aquino, si Kiko Pangilinan, si Heidi Mendoza, dating COA Commissioner.”

“‘Yan, matitino ‘yan. Ako nagsasabi sa inyo. Matitino ‘yang tatlong ‘yan,” dugtong pa ni Ogie.

Eleksyon

Rep. Erwin Tulfo, pinasalamatan Comelec sa pagbasura ng disqualification case

Hirit naman ng co-host niyang si Mama Loi, “Idadagdag ko si Sir Luke Espiritu.”

Matatandaang si Ogie ay isang certified Kakampink o masugid na tagasuporta ng Leni-Kiko tandem noong nakaraang 2022 presidential elections.

MAKI-BALITA: 'Maaga ang acceptance sa akin!' Kakampink na si Ogie Diaz, nagpaabot ng pagbati kay PBBM