Isang certified Kakampink o masugid na tagasuporta ng Leni-Kiko tandem ang showbiz columnist na si Ogie Diaz, subalit nagpahayag na siya ng pagbati kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na nanumpa na noong Hunyo 30 bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.

"Kakampink po ako, pero gusto kong batiin si President-elect Bongbong Marcos," saad ni Ogie sa kaniyang caption.

Isang araw matapos ang halalan at lumalabas na ang resulta sa partial and unofficial tally ng mga boto ay natanggap na ni Ogie ang posibilidad na matalo ang Leni-Kiko tandem.

"Maaga ang acceptance sa akin (noong May 10 pa) para maaga rin ang pag-move on at pag-move forward."

Tote bag ng BINI, binakbakan: 'Mas maganda pa bag ng ayuda!'

"Kasama n'yo po ako sa magaganda n'yong hangarin at adhikain para sa bayan at sambayanan, PBBM. Kasama rin po ako ng taumbayan sa pagdarasal na sa pamamagitan po ninyo ay matamasa natin ang inyong hangarin na pagkakaisa bukod sa kaunlaran ng Pilipinas sa kabila ng mga pagsubok na dumarating sa bayan at bawat Pilipino."

Ngunit saad ni Ogie, pupurihin niya ang magagandang magagawa ng administrasyon nito, subalit sana raw ay maging bukas ang isip at puso nito sa ilang mga mungkahi, komento, o puna.

"Makakaasa po kayo na sasaluduhan ko ang bawat tama at nararapat na inyong gagawin at sana ay maging bukas din po ang inyong puso sa pagtanggap ng mga komento, suggestions o payo."

Screengrab mula sa FB/Ogie Diaz

Pangwakas niya, "Para po sa bayan ang aking dasal. At alam ko, kahit ang 31 milyong Pilipinong bumoto ay ganoon din.

Mabuhay po kayo, Pangulong BBM!"