May 21, 2026

Home BALITA National

DND Sec. Teodoro, dedma na sa peace talk sa pagitan ng militar at NPA

DND Sec. Teodoro, dedma na sa peace talk sa pagitan ng militar at NPA
Photo courtesy: via MANILA BULLETIN

Mariing tinutulan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ang panawagang muling buksan ang peace talks sa New People’s Army (NPA) at iginiit na ang nasabing grupo ang umano’y patuloy na sumisira sa kapayapaan sa bansa.

Ayon kay Teodoro, ang mga komunista at mga kasapi ng NPA ang responsable sa mga krimen at terorismo na nararanasan sa ilang bahagi ng Pilipinas, kaya’t hindi aniya katanggap-tanggap na makipag-usap pa sa kanila para sa kapayapaan.

Sa isang pahayag nitong Linggo, tahasan niyang iginiit na wala siyang balak makipag-peace talks sa NPA. 

“I object to any peace talks with the NPA. The Filipinos are at peace. They are the ones disturbing the peace. Why should we talk to them? They're committing crimes,” saad ni Teodoro.

Dagdag pa ng kalihim, “To call for peace talks is to elevate the morality of there's cause of something legitimate which I cannot accept. Hindi ko matatanggap iyon.”

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Matatandaang kamakailan lamang ay nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng militar at mga hinihinalang miyembro ng NPA sa Toboso, Negros Occidental noong Abril 19, kung saan 19 na rebelde ang nasawi, ayon sa ulat ng mga awtoridad.

KAUGNAY NA BALITA: Nadamay na student-leader at local journalist sa engkwentro ng militar vs NPA, umani ng mga reaksyon sa netizens!    

Patuloy namang naninindigan ang Department of National Defense na mas paiigtingin ang kampanya laban sa armadong grupo kasabay ng panawagan para sa kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Samantala, nauna na ring inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) na nagpapatuloy na ang imbestigasyon ng kanilang ahensya hinggil sa anila’y massacre na nangyari sa pagitan ng militar, NPA at mga silibyang nadamay na nasabing operasyon.

KAUGNAY NA BALITA: Malacañang, hindi pipigilan imbestigasyon ng CHR sa engkuwentro sa Negros Occidental