May 22, 2026

Home BALITA Probinsya

Nadamay na student-leader at local journalist sa engkwentro ng militar vs NPA, umani ng mga reaksyon sa netizens!

Nadamay na student-leader at local  journalist sa engkwentro ng militar vs NPA, umani ng mga reaksyon sa netizens!

Kabilang ang isang lokal na mamamahayag at isang student leader sa mga nasawi sa sinasabing engkuwentro sa pagitan ng militar at mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Toboso sa Negros Occidental.

Kinilala ng Altermidya Network ang biktima na si RJ Nichole Ledesma, isang manunulat at editor ng Paghimutad-Negros at regional coordinator ng grupo sa Negros Island.

Kinumpirma rin ng University of the Philippines Diliman University Student Council na kabilang sa mga nasawi ang isa nilang student leader na si Alyssa Alano, na nagsilbing Education and Research councilor.

“RJ was a community journalist, editor, and poet. He served as editor-in-chief of Spectrum, the student publication of the University of St. La Salle–Bacolod, where he took a degree in Psychology,” ayon sa pahayag ng Altermidya.

Dagdag pa ng grupo, aktibo si Ledesma sa community journalism at grassroots reporting.

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

“Since 2020, he led Paghimutad Negros, an alternative media outfit focused on human rights reporting and grassroots storytelling. He later joined Altermidya as regional coordinator for Negros Island,” anila.

Ayon sa Altermidya, nagsasagawa umano ng community work at immersion reporting si Ledesma sa lugar kaugnay ng epekto ng renewable energy projects sa mga magsasaka nang mangyari ang operasyon ng militar.

Batay sa impormasyon mula sa Human Rights Advocates Negros, hindi umano kasama si Ledesma sa mismong lugar ng unang bakbakan.

“HRAN said RJ was not in the initial clash site in Sitio Sinugmawan. According to the group, he was instead attacked in a separate peasant community in Sitio Plariding during an ensuing military pursuit operation,” ayon pa sa Altermidya.

Samantala, itinanggi naman Philippine Army ang ulat na may mga sibilyang nasawi sa naturang insidente.

“Ano ang ginagawa ng mga sinasabi nilang journalist, social workers, faculty members, spokesperson ng mga progresibong grupo sa loob ng encounter site na may mga bitbit na baril at nakikipagbarilan sa ating mga sundalo?” pahayag ni Army spokesperson Colonel Louie Dema-ala.

Umani naman ng mga reaksiyon mula sa netizens ang naturang operasyon na ikinamatay nina Ledesma at Alano.

“Nakakalungkot ito, hustisya para sa mga biktima.”

“Dapat malinaw kung ano talaga ang nangyari.”

“Delikado na talaga maging mamamahayag ngayon.”

“Sana magkaroon ng patas na imbestigasyon.”

“Ang daming tanong, kulang ang sagot.”

“Proteksyon para sa media, kailangan na.”

“Sino ba talaga ang may sala?”

“Kawawa ang mga nadamay.”

“Hindi dapat minamaliit ang buhay ng sibilyan.”

“Dapat managot ang may kasalanan.”