May 17, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Ligtas ba ang paggamit ng electric fan sa matinding init?

ALAMIN: Ligtas ba ang paggamit ng electric fan sa matinding init?
Photo courtesy: Unsplash

Parang apoy na rin ang hangin sa fan!

Ito ang bukambibig ng maraming Pinoy sa dinaramdam na alinsangan sa bansa ngayon dala ng dry season. 

Batay sa mga kamakailang ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), pumapalo sa hanggang 46°C ang heat index sa iba’t ibang lugar sa bansa. 

Kaya ang mga Pinoy, kaniya-kaniyang paraan upang mapreskuhan at maibsan ang init ng panahon.

Isa na rito ang paggamit ng electric fan, na nagbibigay ng pansamantalang ginhawa sa pamamagitan ng malakas na buga ng hangin. 

Human-Interest

#BalitaExclusives: 'Wala pa pambili ng AC!’ Aso sa Valenzuela City, tumambay sa loob ng ref

Gayunman, ipinapayo ng World Health Organization (WHO) na mas mainam lamang itong gamitin kapag ang temperatura ay 40°C lamang pababa, dahil kung gagamitin ito sa araw na mataas ang heat index, mas mapapainit lamang nito ang pakiramdam sa katawan.

Binanggit din sa pag-aaral ng US Environmental Protection Agency na delikado ang init na mata-trap sa loob ng isang kulob na lugar dahil posible itong magdulot ng iba’t ibang heat-related na mga sakit tulad ng heat exhaustion at heat stroke. 

Saad pa ng WHO, upang mapalamig ang temperatura sa loob ng bahay, maaaring buksan ang mga bintana sa gabi dahil sa mas malamig na hanging dala nito. 

Sa araw naman, takpan ng kurtina ang mga bintana upang maiwasan ang pagpasok ng mainit na hangin mula sa labas at sinag ng araw, gayundin ang pagpatay ng maraming electrical devices. 

Ipinapayo rin ng WHO na gumamit ng light at loose-fitting na mga damit at kobre kama upang mapalamig ang temperatura sa katawan at higaan, regular na pagligo, at pag-inom ng tubig. 

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Mga kulay ng damit na mainam panangga sa tag-init

Gayundin ang pag-iwas sa paglabas ng bahay sa kasagsagan ng mataas na sikat ng araw. 

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ano ang recommended sunscreen SPF para maiwasan pagkasunog ng balat sa araw?