May 15, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Mga kulay ng damit na mainam panangga sa tag-init

ALAMIN: Mga kulay ng damit na mainam panangga sa tag-init
Photo courtesy: Unsplash

Idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na opisyal nang nagsimula ang tag-init sa Pilipinas noong Marso 23. 

Kaya naman sa mga nagdaang araw, kaagad umakyat sa “danger level” ang heat index sa iba’t ibang lugar sa bansa. 

Matatandaang noong Sabado, Abril 4, pumalo sa 46°C ang heat index sa Dumangas, Iloilo. 

MAKI-BALITA: Heat index sa Iloilo, umabot sa ‘danger level’ ngayong Sabado de Gloria!

Noon namang Huwebes, Abril 9, naitala ang 43°C sa Catarman, Northern Samar; 42°C sa Dumangas, Iloilo; Zamboanga City, Zamboanga del Sur; at Cotabato City, Maguindanao. 

Human-Interest

Paano nakatutulong ang fur babies sa kalusugan ng kanilang fur parent?

MAKI-BALITA: 'Danger level!' Highest heat index, naitala sa Catarman, Northern Samar

Nito lamang Lunes, Abril 13, naitala naman sa Cotabato City at Maguindanao ang 46°C; ang 43°C sa Virac, Catanduanes; at 42°C sa Sangley Point, Cavite City, Cavite. 

MAKI-BALITA: 'Danger level' heat index, naitala sa 3 lugar ngayong Abril 13

Dahil dito, kaniya-kaniyang pakulo ng maraming Pinoy upang maibsan ang alinsangang nararamdaman sa buong bansa, isa na rito ang pagtatampisaw sa tubig, mapa-swimming pool man ito o dagat. 

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Mga kulay ng damit na makakapagsalba sa buhay ng mga bulilit sa summer outing!

Kaya naman ayon sa pag-aaral ng Philippine Textile Research Institute (PTRI), ang pagsusuot ng light-colored na mga damit na gawa sa breathable o magagaang tela ay nakatutulong upang mapanatiling presko ang katawan sa kasagsagan ng matinding init. 

Ang light shades tulad ng puti, beige, light pink, at mint green ay nakakapag-reflect ng liwanag mula sa araw, na nakakatulong upang mapanatiling komportable ang katawan. 

Sa kabilang banda, ang dark-colored na mga damit naman tulad ng itim ay nag-aabsorb o sumisipsip ng temperaturang 5–10°C. 

Binanggit din sa pag-aaral na ang yari ng damit tulad ng cotton at linen ay nakatutulong sa air circulation na nakababawas sa buildup ng init sa katawan. 

Sa tag-init na patuloy dinaramdam sa buong bansa, mahalagang tandaan na importanteng ikonsidera ang kulay at yari ng kasuotan upang maibsan ang singaw ng alinsangan sa katawan.