May 22, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Ano ang ‘hormonal belly’ sa kababaihan at posible ba itong mabawasan?

ALAMIN: Ano ang ‘hormonal belly’ sa kababaihan at posible ba itong mabawasan?
Photo courtesy: Pexels

“Bakit wala ka pang asawa?” 

“Ang taba mo ah!” 

Ilan lamang ito sa maraming katanungan na madalas naririnig ng maraming kababaihan dahil sa mga obligasyon at pamantayang inaasahan ng lipunan na susundin nila. 

Narito ang pagpasok sa relasyon at pagpapakasal bago o pagtungtong ng edad na 30, pagtahimik sa harap ng mga tao, at pananatili sa bahay upang kumalinga sa sariling pamilya o mga kaanak. 

Kasama rin dito ang tila nakakalitong “beauty standards” tulad ng maputi at makinis na kutis, matangos na ilong, at payat hanggang balingkinitang katawan na minsa’y nauuwi sa eating disorders sa pagtatangkang masunod ng ilan. 

Human-Interest

‘Okay ka lang?’ Mga paraan upang ‘mangumusta’ sa kaibigan o katrabaho

Ito’y dahil bagama’t may iba’t ibang uri ng pangangatawan, naipipilit sa beauty standards ng lipunan na ang balingkinitang pangangatawan ay binubuo ng payat na mga braso at hita o kaya nama’y flat o maliit na tiyan. 

Dito pumapasok ang pagkakaroon ng “hormonal belly” ng ilang kababaihan, na ayon sa pag-aaral ng Medical News Today, ay epekto ng karagdagang timbang sa ibabang bahagi ng tiyan bunsod ng hormonal imbalance. 

Habang hindi ito itinuturing na isang medical condition, posible itong sintomas ng iba pang medical condition. 

Ayon naman sa VeryWell Health, ang pagkakaroon ng hormonal belly ay iba pa sa pangkaraniwang weight gain. 

Dahil sa tipikal na weight gain, ang taba ay naiipon sa ilalim ng balat, na nauuwi sa pagkakaroon ng “hanging belly.” 

Sa weight gain na dala ng hormonal imbalance, ang taba ay naiipon sa loob ng iba pang internal organs, na tinatawag na “visceral fats,” na nagdudulot upang ang tiyan ay maghugis mansanas at magmukhang “bloated.” 

Saad pa sa pag-aaral na ito, sa kabila ng healthy diet at regular na pag-eehersisyo ng isang babae, posible pa ring makita ang hormonal belly. 

Kaya sa iba pang pag-aaral, itinuturo ang mga sumusunod sa pagkakaroon ng hormonal imbalance: 

- Poor diet

- Kakulangan sa pagtulog at ehersisyo

- Chronic stress

- Ilang kondisyon tulad ng polycystic ovary syndrome (PCOS), thyroid disorders, at menopause

Posible bang mabawasan ang hormonal belly?

Sa pag-aaral pa ng Medical News Today, ang pagbabawas ng hormonal belly ay may iba-ibang estratehiya mula sa mga doktor depende sa dulot nito. 

Ilan sa tips na ipinapayo sa pag-aaral na ito ay ang calorie adjustment mula sa mga pagkain, pagkakaroon ng maayos na tulog, pag-iwas sa pag-inom ng alcohol, at resistance training, na nakatutulong sa pag-abot ng moderate na timbang at karagdagang muscle mass.