May 22, 2026

Home FEATURES Katatawanan

#BalitaExclusives: One-month baby na 'methodologies of research' na agad binabasa, kinaaliwan!

#BalitaExclusives: One-month baby na 'methodologies of research' na agad binabasa, kinaaliwan!
Photo courtesy:John Gabriel Vargas (FB)

Benta sa mga netizen ang Facebook post ng isang daddy tampok ang kaniyang isang buwang sanggol na tila “nagbabasa” na agad patungkol sa "Methodologies of Research."

Ang research o pananaliksik ay isang sistematikong proseso ng pagtatanong, pangangalap ng datos, pagsusuri, at pagbibigay-kahulugan upang makabuo ng bagong kaalaman o mapalalim ang pag-unawa sa isang paksa. Sa mas simpleng paliwanag, ito ay maingat at organisadong paraan ng paghahanap ng sagot sa isang tanong o suliranin. Karaniwang requirement ito sa larangan ng akademya.

Sa post ni John Gabriel Vargas noong Abril 19, pabirong caption niya: “METHODOLOGIES OF RESEARCH na ta on your 1st month. Next month mag conduct na kag survey.”

Makikitang habang nakahiga sila ng anak sa kama, ipinakikita niya sa hawak na gadget ang tungkol dito.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

Katatawanan

Sinakyan na lang! Robina Gokongwei, naging si 'Medusa'

"Pamangkin ko nga na 5 months sinasali ko na sa pag-review ko sa Engineering para pag 1 yr old nya mag-board exam na sya agad BWAHAHA."

"Okayy natooo, grade 1 palang batak na sa thesis, perks of new born ka palang naka list na mga aaralin mo HAHAHA."

"Ang tawag diyan, advance study hahaha."

"Naku paano pa kaya kapag malaki na hahaha, baka may full-blown thesis na."

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Vargas na sila ay nakatira sa Upper Baguer, Pigcawayan, North Cotabato.

Ang sanggol na tampok sa viral post ay anak niyang si Jermoine Suzielle Vargas, na isang buwan pa lamang.

Ayon kay Vargas, isa siyang research teacher sa isang pampublikong paaralan. Inamin din niya na nagulat sila sa naging reaksiyon ng publiko sa kanilang post.

“Nagulat kami kasi ’di namin inaasahan na mag-viral yung post namin na katuwaan lang sana,” ani Vargas.

Sa kabila ng pagiging biro, nagbigay rin siya ng mensahe para sa kapwa magulang hinggil sa pagpapalaki ng anak.

“Teach them young. As a parent, puwede natin silang turuan without the use of gadget. Kahit nasa tiyan pa lang yung mga babies natin, nakikinig na ’yan sila,” dagdag niya.