Binaril ng isang lalaki ang kaniyang kainuman upang mapatunayan umano kung totoong “bulletproof” ang katawan ng biktima sa Barangay Acacia, Davao City.
Ayon sa ulat ng 97.5 Brigada Tagum City, nangyari ang pagbaril ng suspek sa biktima na kinilalang si alyas "Victor," 50 taong gulang, nitong Lunes ng madaling araw, Marso 3, 2025.
Lumalabas sa imbestigasyon na binaril ng suspek sa tuhod ang biktima matapos umano itong magyabang na hindi siya tinatablan ng bala sa katawan.
Agad naman umanong naisugod sa Southern Philippines Medical Center ang biktima habang tinukoy naman ang pagkakakilanlan ng suspek na si alyas "Roland," na kasalukuyang nagtatago matapos tumakas sa crime scene.
Samantala, nagkasa na ng follow-up operation ang mga awtoridad upang masakote ang suspek.