August 28, 2026

Home BALITA Metro

ALAMIN: Mga health centers, hospitals na may libreng doxycycline sa Maynila

ALAMIN: Mga health centers, hospitals na may libreng doxycycline sa Maynila
Photo courtesy: MB


Inanunsyo ng Manila Public Information Office (PIO) nitong Biyernes, Agosto 28, na may libreng doxycycline sa mga health center at ospital sa siyudad, para sa mga residenteng lumusong o nalubog sa baha.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang doxycycline ay isang antibiotic na iniinom kontra leptospirosis.

Samantala, narito ang listahan ng mga ospital at health center na may libreng doxycycline.

CITY GOVERNMENT DISTRICT HOSPITALS

District 1 - Gat Andres Bonifacio Medical Center
District 2 - Ospital ng Tondo
District 3 - Justice Jose Abad Santos General Hospital
District 4 - Mayor Ramon Bagatsing General Hospital (formerly Ospital ng Sampaloc)
District 5 - Ospital ng Maynila Medical Center
District 6 - Sta. Ana Hospital
BASECO - President Corazon C. Aquino General Hospital

CITY HEALTH CENTERS

District 1
- Tondo Foreshore
- Smokey Mountain
- J. Posadas
- Dagupan
- A. Quezon
- Velasquez
- Bo. Magsaysay
- Vitas
- Bo. Fugoso
- Parola

District 2
- Atang
- Bo. Obrero
- Palomar
- Tayabas
- Tondo

District 3
- F. Lanuza
- San Sebastian
- San Nicolas
- Dimasalang

District 4
- Paltoc
- Luzviminda
- Dapitan
- Calabash
- F. Legarda
- Earnshaw
- Belmonte
- Ma. Clara
- D. Santiago

District 5
- Buhay Mahalaga
- Icasiano
- Paco
- Pedro Gil
- San Andres
- Rosario Reyes
- Baseco
- Intramuros

District 6
- Lacson
- Isidro Mendoza
- Bacood
- Esperanza
- J. Vicencio
- Bagong Brgy.
- San Miguel

Gayunpaman, paalala ng DOH, ang maling pag-inom ng doxycycline ay maaaring magdulot ng kawalan nito ng bisa laban sa mikrobyo—na siyang dahilan upang mas maging mahirap ang paggamot sa simpleng impeksyon. Puwede rin daw itong humantong sa mas matindi at mas matagal na sakit.

“Nakadepende ang pag-inom ng doxycycline sa exposure o risk level ng taong nalubog sa baha. Payo ng DOH, magpatingin sa doktor para sa tamang reseta sa paggamit ng antibiotic na ito,” anang ahensya.

Kaugnay nito, inanunsyo ng Manila PIO nito ring Biyernes sa kanilang daily reporting ng W.I.L.D. Diseases na umabot na sa 455 ang kabuuang kaso ng leptospirosis sa buong lungsod ng Maynila.

Kasunod ito ng karagdagang 54 new leptospirosis cases sa siyudad ngayong araw.

Anila, ang talang ito ay sumasakop mula sa mga kaso ng nasabing sakit mula noong Enero 1, 2026 hanggang nitong Agosto 28, 2026.

MAKI-BALITA: Total leptospirosis cases sa Maynila, 455 na!