February 02, 2025

Home SHOWBIZ

Kyle Echarri, pumalag sa pandadawit kay 'Bella' sa intriga

Kyle Echarri, pumalag sa pandadawit kay  'Bella' sa intriga
Photo Courtesy: Kyle Echarri (IG)

Nagbigay ng pahayag ang Kapamilya actor na si Kyle Echarri kaugnay sa pandadawit ng ilang netizens sa nakakabatang kapatid niyang si Bella sa intriga.

Sa post ng isang X account na nakapangalan kay Kyle kamakailan, sinabi niyang dedma raw siya sa kung anomang mga hanash ng ibang tao sa kaniya ngunit hindi niya kayang manahimik kapag nadamay ang kaniyang pamilya.

“Question whatever you want about me but never question the love me and my family have for Bella. Tsaka please… patapos na yung taon… kakatapos lang ng pasko… Masaya ka sa buhay mong ganyan ka magsalita sa buhay ng iba? Happy new years mwah mwah,” saad ni Kyle.

Dagdag pa niya, “Hays I was gonna stay quiet since it’s Christmas and we should be ending the year on a good note. Say all u want/think about me bahala na kayo diyan. Pero wag na wag mong idamay yung pamilya ko lalo na yung kapatid kong anghel na si Bella.”

Andrea kinonek new packaging ng beauty products sa mga lalaking 'di nagbabago

Lumutang ang naturang post matapos ibahagi ni Kyle ang serye ng mga larawan noong Kapaskuhan kung saan kasama at winelcome pa niya ang aktres na si Bela Padilla bilang “new Bela” umano ng kanilang pamilya.

MAKI-BALITA: Bela Padilla, inintriga matapos mag-Pasko kasama si Kyle Echarri

Matatandaang si Bella ay pumanaw noong Abril 2023 matapos ang pakikipaglaban niya sa brain tumor.

MAKI-BALITA: Hugis-pusong tattoo ni Kyle Echarri sa pulso, ginuhit ng kapatid na lumalaban sa brain tumor