Ito ang pinusuang social media post ni Kapamilya singer-actor Kyle Echarri kamakailan.

Sa serye ng mga larawan at video sa Instagram, ibinahagi ng young star ang bagong tattoo sa pulsong bahagi ng kaniyang kamay.

Kasama rin ng aktor ang isa pang kapatid na lalaki na nagpaburda rin ng parehong puso sa kaniyang kamay.

“Drawn by our favorite artist @isabellaraeecharri,❤️” mababasa sa kaniyang caption.

Diana Zubiri, 'di pinagsisihang nagsimula bilang sexy actress

Si Isabella, o Bella ay ang 12-anyos na baby sister ni Kyle na patuloy na lumalaban sa brain tumor.

Basahin: ‘You’re my little warrior’: Kyle Echarri, may madamdaming mensahe sa kaarawan ng kapatid – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ilang mga kaibigan sa showbiz ang nagpaabot ng heart reactions sa espeyal na tattoo ni Kyle.

“Bella I miss youuuuuu,” komento ni AC Bonifacio.

Pinusuan din nina Leon Barretto, Sam Cruz at Alora Sasam ang makahulugang post ng Kapamilya star.

Matatandaan noong Hunyo 2022 nang unang ibahagi ng Kapamilya actor ang dumurog na rebelasyon ng kaniyang pamilya ukol sa karamdaman ni Bella.

Basahin: Baby sister ni Kyle Echarri, inilihim ang sakit na brain tumor sa kapatid; actor-singer, nadurog sa bad news – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Dahil ayaw niyang mag-alala ang kaniyang kuya, mahigit isang buwan munang hiniling na itinago ni Bella ang sakit nito kay Kyle, bagay na ikinadurong ng aktor noon.

“My baby sister Bella has been my world since the day she was born. Just yesterday I was told by my family that my little girl was diagnosed with a brain tumor on May 2nd and she wanted to hide it from me because she said she didn’t want me to get stressed while I was working,” saad ni Kyle noon.