December 14, 2024

Home BALITA Metro

400 cancer at dialysis patients, natulungan sa People's day sa Maynila

400 cancer at dialysis patients, natulungan sa People's day sa Maynila
Photo courtesy: Manila PIO

Umabot sa 400 na Manileño na pawang cancer at dialysis patients ang nabigyan ng tulong sa katatapos lamang na People's Day sa Manila City Hall nitong Huwebes, Nobyembre 14.

Pinangunahan nina Manila Mayor Dra. Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang naturang aktibidad.

Nabatid na tulong pinansiyal para sa mga gamot, pang-laboratoryo, at iba pang mga gastusin ang handog ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga naturang pasyente na may mga sakit na kanser at sakit sa kidney na kinakailangan ng dialysis.

Bukod dito, hinandugan din ng ilang kagamitan tulad ng wheelchair, oxygen tank, at iba pa para sa mga pasyenteng nangailanganan nito.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Ayon kay Lacuna, "Hangad po ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na makapag-abot ng tulong sa iba’t ibang kaparaanan sa abot ng aming makakaya para makatulong sa bawat Manileñong nangangailangan ng serbisyo diretso sa tao."

Laking pasalamat naman ng mga ito kina Lacuna at Servo dahil sa pagkakaloob ng tulong sa kanila. 

Ang 'People's Day' ay isang aktibidad na regular na idinaraos ni Lacuna sa city hall, simula pa noong maupo siya sa puwesto noong 2022.