July 27, 2026

Home BALITA Metro

Road closures at rerouting sa Maynila para sa SONA

Road closures at rerouting sa Maynila para sa SONA
Photo courtesy: John Louie Abrina (MB)

Inanunsyo ng Manila local government unit (LGU) ang listahan ng mga alternatibong ruta at saradong kalsada bilang paghahanda sa gaganaping ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Linggo, Hulyo 27. 

Narito ang listahan ng mga alternatibong ruta simula ngayong Linggo, Hulyo 26: 

CRB MENDIOLA 

1. Lahat ng sasakyang magmumula sa Quezon Boulevard at CM Recto Ave. na nais dumaan sa Mendiola Street ay inaabisong kumaliwa sa Nicanor Reyes Street papunta sa destinasyon. 

2. Lahat ng sasakyang magmumula sa Sta. Mesa gamit ang Legarda Street na nais dumaan sa CM Recto Avenue ay inaabisong kumanan sa Figueras Street, dumiretso sa Earnshaw Street, pakaliwa sa SH Loyola Street, papunta sa destinasyon. 

Metro

'UP Technohub U-Turn Slot,' 'Tandang Sora U-Turn Slot,' sarado hanggang Hulyo 27

3. Lahat ng sasakyang magmumula sa P. Casal Street na nais dumaan sa Mendiola Street ay inaabisong kumaliwa sa San Rafael Street, dumiretso sa Bilibid Viejo Street, pakanan sa SH Loyola Street o Nicanor Street, papunta sa destinasyon. 

AYALA BRIDGE 

1. Lahat ng sasakyang magmumula sa Romualdez Street na nais dumaan sa Ayala Bridge ay inaabisong kumaliwa sa Ayala Boulevard, kumanan sa Taft Avenue papunta sa destinasyon, o kaya’y dumiretso sa Natividad Lopez Street, kumanan sa A. Villegas St, pakaliwa sa C.Muñoz Street, papunta sa destinasyon.

2. Lahat ng sasakyang magmumula sa San Marcelino na nais dumaan sa Ayala Bridge ay inaabisong kumanan sa Ayala Boulevard, kumanan sa Taft Avenue papunta sa destinasyon, o kaya’y dumiretso sa San Marcelino Street, kumaliwa sa UN Avenue papunta sa destinasyon.

3. Lahat ng sasakyang magmumula sa Ayala Boulevard (eastbound lane) na nais dumaan sa Ayala Bridge ay inaabisong kumanan sa San Marcelino Street papunta sa destinasyon. 

4. Lahat ng sasakyang magmumula sa Carlos Palanca Street na nais dumaan sa Ayala Bridge ay inaabisong kumaliwa sa P. Casal Street papunta sa destinasyon. 

5. Lahat ng sasakyang magmumula sa P. Casal Street na nais dumaan sa Ayala Bridge ay inaabisong kumanan sa Carlos Palanca Street papunta sa destinasyon. 

LIWASANG BONIFACIO

1. Lahat ng sasakyang magmumula sa P. Burgos Avenue (northbound lane) na nais dumaan sa Magallanes Drive ay inaabisong dumiretso sa Jones/McArthur/Quezon Bridge papunta sa destinasyon. 

MACARTHUR AT QUEZON BRIDGES

1. Lahat ng sasakyang magmumula sa Plaza Sta. Cruz na nais dumaan sa southbound lane ng MacArthur Bridge ay inaabisong kumanan sa Dasmariñas Street, kumanan sa Juan Luna Street, pakaliwa sa Plaza Cervantes patungo sa Jones Bridge, papunta sa destinasyon. 

2. Lahat ng sasakyang magmumula sa A. Mendoza Street na nais dumaan sa southbound lane ng Quezon Boulevard (Quezon Bridge) ay inaabisong kumanan sa Fugoso Street, kumaliwa sa Tomas Mapua Street patungo sa CM Recto Avenue papunta sa destinasyon. 

3. Lahat ng sasakyang magmumula sa España Boulevard na nais dumaan sa southbound lane ng Quezon Boulevard (Quezon Bridge) ay inaabisong kumaliwa sa Nicanor Reyes Street patungo sa CM Recto Avenue papunta sa destinasyon. 

Narito naman ang listahan ng mga kalsadang sarado simula rin ngayong Hulyo 26: 

CRB MENDIOLA

- Kahabaan ng CM Recto Avenue mula sa Nicanor Reyes Street hanggang Mendiola Street

- Kahabaan ng Legarda Street mula sa Figueras Street hanggang Rafael Street

AYALA BRIDGE

- Ayala Bridge

- Eastbound lane ng Ayala Boulevard mula San Marcelino Street hanggang Romualdez Street

LIWASANG BONIFACIO

- Kahabaan ng Magallanes Drive mula Jones Bridge hanggang MacArthur Bridge

MACARTHUR AT QUEZON BRIDGE

- Southbound lane ng MacArthur Bridge mula Plaza Lacson hanggang Liwasang Bonifacio

- Southbound lane ng Quezon Boulevard mula A. Mendoza Street/Fugoso Street hanggang Quezon Bridge papuntang Liwasang Bonifacio 

- Southbound lane ng Lerma Street mula España Boulevard/P. Campa Street hanggang A. Mendoza Street