July 26, 2026

Home FEATURES

Tatak Pinoy! 'Distinct characteristics' ng mga magulang na Pilipino

Tatak Pinoy! 'Distinct characteristics' ng mga magulang na Pilipino
Photo courtesy: Unsplash


Ipinagdiriwang ngayong Hulyo 26, 2026 ang  National Parents' Day sa Amerika, na ginugunita tuwing ikaapat na Linggo ng Hulyo.

Dito sa Pilipinas, karamihan sa mga Pilipino ay nirerespeto, sinusunod, at tinitingala ang mga magulang dahil sa kani-kanilang sakripisyo at pagmamahal para sa kanilang pamilya.

Hindi man napag-uusapan, pero may iilang mga kaugalian ang Filipino parents na sa kanila lang makikita, kung ikukumpara sa ibang mga magulang sa ibang bansa.

Ayos lang na manirahan sa kanilang tahanan ang pamilyado nilang anak

“Trademark” na ng mga Pilipinong magulang na hayaang manirahan sa kanilang bahay ang mga anak nilang pamilyado na.

BALITAnaw

#BALITAnaw: Ang mga 'pinaka' sa kasaysayan ng SONA sa Pilipinas

Kung ikukumpara kasi sa ibang kultura, kapag sumapit na ang legal age ng mga anak, sila na ang bahalang tumayo sa kani-kanilang mga paa at bumuo ng sariling pamilya nang hindi nakaasa sa mga magulang.

Marahil dala ito ng pagiging “family-oriented” ng mga Pinoy.

“Hands-on” sa pagpapalaki ng anak

Mahalaga sa kultura ng mga Pilipino ang pagkakalapit-lapit ng bawat isa sa miyembro ng pamilya, kung kaya’t hindi na nakakapagtakang 100% na pagmamahal at malasakit ang handog nila sa kanilang mga supling.

Nariyan ang suporta sa paglaki ng anak, pagdadala sa kanila sa paaralan, at pag-akay sa kanila kahit sila ay malalaki na.

Bonggang effort tuwing binyag at kaarawan ng anak

Ang mga Pilipinong magulang, partikular na ang mga bagong ina at ama, ibinibigay ang lahat sa kani-kanilang mga anak.

Isa na rito ang malawakang handaan tuwing binyag at kaarawan ng mga ito.

Dahil sa hilig na rin ng mga Pinoy sa pagkain, ang selebrasyon ay hindi lamang dahil sa pagmamahal para sa anak—bagkus para din sa pasasalamat at malasakit sa kapwa.

Para sa anak kaysa para sa sarili

Kilala ang mga magulang na Pilipino bilang “selfless parents.”

Hindi man madalas pag-usapan, may ugali silang ibinibigay ang lahat sa kanilang anak, kahit ang sarili nilang kagustuhan ay hindi nila makuha.

Akma dito ang mga katagang “isusubo na lang ng mga magulang, ibibigay pa sa anak,” na hango sa walang-hanggang pag-ibig nila.

Mga salita at aksyon ng pagmamahal

Karamihan sa mga Pilipinong magulang ay “sweet”—mayapos, mayakap, at mahalik sa anak.

Isa itong paraan upang ipakita ang pagmamahal sa kanila.

Nariyan din ang pag-aasikaso sa kanila sa araw-araw—paghahanda ng baon sa eskwela, pagbibigay ng mga gustong laruan o gamit, o simpleng pagbabahagi ng suporta at motibasyon.

Gayong iba-iba man sa kada indibidwal ang paraan ng mga magulang kung paano magpakamagulang, hindi pa rin matatawaran ang papel nila sa buhay ng bawat kabataang Pilipino—mula sa kanilang suporta, malasakit, at pagmamahal.