July 27, 2026

Home BALITA Politics

Sen. Alan, hindi dadalo sa SONA ni PBBM

Sen. Alan, hindi dadalo sa SONA ni PBBM
Photo Courtesy: Alan Peter Cayetano, Bongbong Marcos (FB)

Nagdesisyon si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na hindi siputin ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa isang ambush interview kay Sen. Alan sa Senado nitong Lunes, Hulyo 27, naitanong sa kaniya ng media kung dadalo ba siya sa naturang pagtitipon na gaganapin ngayong Lunes, Hulyo 27.

“Pero ayon sa kaniya, "Mas preference ko siguro panoorin na lang sa TV. Baka mas komportable rin ang administrasyon in that way."

"And it's my simple way of protesting pati sa pagba-black," dugtong pa ng senador.

Naniniwala umano si Sen. Alan na kasalukuyang nasa panganib ang demokrasya ng Pilipinas, na kung sino man ang magsalita laban sa administrasyon ay biglang pupintiryahin.

Politics

‘Our democracy is in danger!’ Sen. Alan, binanatan PBBM admin

Matatandaang nauna nang sinabi ni Sen. Alan noong Linggo, Hulyo 26, na magsasagawa siya ng kontra-SONA.

Ang kontra-SONA ay isang matagal nang tradisyon sa Senado kung saan inilalahad ng lider ng minorya ang kaniyang pagsusuri at pagtutol sa mga pahayag ng Pangulo tungkol sa kalagayan ng bansa.

Maki-Balita: SONA o SANA? Sen. Alan Peter Cayetano, magsasagawa ng Kontra-SONA