September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Heart Evangelista sa asping si Yoda: 'Sending love'

Heart Evangelista sa asping si Yoda: 'Sending love'
Photo Courtesy: Lara Antonio (FB), Heart Evangelista (IG)

Naghayag ng suporta ang Kapuso star at fashion socialite na si Heart Evangelista para sa aspin na si Yoda na nakaranas umano ng diskriminasyon sa isang pet-friendly resto sa Tagaytay.

Sa Instagram story ni Heart nitong Biyernes, Setyembre 9, ang kaniyang maikling mensahe para sa nasabing aspin kalakip ang larawan ng alaga niyang si Panda.

“Aspin Society Elite Pres. [Panda Ongpauco Escudero] Sending LOVE to Yoda,” saad ni Heart sa text caption.

Sa latest Instagram post ni Panda, na ang gumagamit ay si Heart mismo, naghayag siya ng tila pasaring sa mga hindi magandang makitungo sa mga aspin.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Anong walang breed???! Mas may breeding pa ako sa inyo ha. Loka mga ‘to. Hello sa mga kasali sa Aspin Society Elite. #wagako #aspinsocietyelite #presidentpanda #notodiscrimination,” sabi sa caption.

Sabi naman ni Heart sa comment section: “Invite mo na anak si Yoda for high tea!”

Matatandaang umani ng samu’t saring reaksiyon at kritisismo ang nasabing pet-friendly resto na Balay Dako matapos hindi papasukin si Yoda dahil sa bigat umano nito. 

MAKI-BALITA: Customer, dismayado sa pet-friendly resto; alagang aspin, na-discriminate?

Naglabas naman ng pahayag ang resto at humingi ng paumanhin sa hindi pagkakaunawaan hinggil sa kanilang polisiya. Ngunit tila hindi kumbinsido ang mga netizen dito.

MAKI-BALITA: Public apology ng 'pet-friendly' resto, hindi raw katanggap-tanggap?