Naglabas ng hinaing ang customer ng isang Filipino restaurant dahil sa umano’y diskriminasyon ng establishment sa alaga nilang aspin o “asong Pinoy.”
Sa Facebook post ni Lara L. Antonio nitong Linggo, Setyembre 8, sinabi niya na inaasahan umano nilang pet-friendly ang restaurant dahil minsan na rin umano silang napagawi rito.
“We’ve eaten at Balay Dako before - we know it’s pet-friendly. Yoda has, in fact, been here before as well so we went there assuming everything’s okay,” saad ni Lara.
Pero bigla umanong sinabi sa kanila ng FOH staff na hindi raw maaaring pumasok ang alaga nilang si Yoda dahil sa umano’y bigat nito.
Pagsasalaysay ni Lara: “Suddenly, FOH tells me that Yoda isn’t allowed inside. I ask ‘why,’ she says ‘up to medium sized dogs only.’ And I said huh? At this point, we’ve been standing in front of they door for over 10 minutes na, people going in and out greeting Yoda and Ari and she didn’t say anything to me.”
“Tapos biglang she says ah bawal na yung isang dog. So I say, “she’s medium sized. We’ve been here before and no issues naman” and then !!! She said “ano pong breed niya?” aniya.
Dagdag pa niya: “I have a weird gut feeling IMMEDIATELY so instead of Aspin, I say ‘mixed breed.’ I’ve dealt with this before I KNOW THIS and as annoying as it is ‘mixed breed’ is more palatable to elitist establishments like Balay Dako, apparently ”
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na tugon, reaksiyon, o pahayag ang restaurant hinggil sa nasabing isyu bagam't sinubukan na ng Balita na hingin ang kanilang panig.
Samantala, umabot na sa mahigit 45k reactions at 27k shares ang naturang post ni Lara.