June 03, 2026

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Benepisyo ng pagbibisikleta kahit sa loob ng 20 minuto

ALAMIN: Benepisyo ng pagbibisikleta kahit sa loob ng 20 minuto
Photo courtesy: Via MB

Tuwing Hunyo 3, ipinagdiriwang ang Word Bicycle Day sa buong mundo bilang paggunita sa halagang dulot ng pagbibisikleta sa pampisikal na kalusugan ng bawat indibidwal, pag-iwas sa traffic, at paglaban sa lumalalang climate change.

Opisyal na idineklara ang pagdiriwang ng World Bicycle Day sa ginanap na General Assembly ng United Nations noong Abril 2018. 

Sa lumipas na mahigit dalawang siglo magmula noong maimbento ang bisikleta ng imbentor na si Karl von Drais noong 1817, hindi maikakailang nananatili pa ng mahalaga ang dulot ng bisikleta sa sangkatauhan. 

Ngunit ano-ano nga ba ang maaring benepisyo sa paggamit ng bisikleta kahit sa loob lamang ng aabot sa 20 minuto sa isang araw? 

Ayon sa tala ng World Health Organization (WHO), aabot umano sa mahigit isang milyon ang bilang ng mga namamatay bawat taon sa rehiyon ng Europa dahil sa “inactivity” o kakulangan sa aktibidad at kilos sa araw-araw ng mga indibidwal. 

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Mga dapat tandaan sa pag-inom ng gatas

Diin ng WHO, malaki ang naging tulong ng pagbibisikleta at maging ng paglalakad para mabawasan ng mahigit sa kalahating milyon ang bilang ng mga namamatay taon-taon sa nasabing rehiyon. 

“Cycling and walking can help fight overweight and reduce physical inactivity, which causes one million deaths per year in the European Region,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa nila, “Both means of active transport can also help to reduce air pollution that claims more than half a million deaths every year.” 

Anang WHO, pinatutunayan daw ng mga nalikom nilang ebidensya sa pagsusulong nila sa kahalagahan ng ligtas na pagbibisikleta sa paghubog ng kalusugan ng isang indibidwal at pati na rin ang pagbawas sa malalang pagbabago ng klima sa mundo (climate change). 

“Evidence shows that investments in policies that promote safe cycling and walking can play a crucial role in shaping health, mitigating climate change and improving the environment,” saad nila. 

Batay umano sa isinagawang programa ng WHO at United Nations Economic Commission for Europe (UNECE) na Transport, Health and Environment Pan-European Programme (THE PEP), napatunayan nila ang mga matibay na ebidensya sa pagsusulong ng pagbibisikleta at paglalakad.

Anila, maaaring mabawasan ng 10% ang pagkamatay ng isang tao sa pamamagitan lamang ng paggamit ng bisikleta sa loob ng 20 minuto o maging paglalakad sa loob ng 30 minuto. 

“Walking for 30 minutes or cycling for 20 minutes on most days reduces mortality risk by at least 10%,” paliwanag nila. 

Bukod pa rito, nakakabawas din daw ang pagbibisikleta at paglalakad ng 10% panganib sa cardiovascular disease at kabawasang 30% naman sa mga uri ng diabetes. 

“Active commuting is associated with about a 10% decrease in risk for cardiovascular disease and a 30% decrease in type 2 diabetes risk,” ‘ika nila. 

Pagpapatuloy ng WHO, mas mababa rin daw ng 30% ng bilang ng mga nagbibisikleta ang namamatay sa mga sakit na may kaugnayan sa cancer. 

“Cancer-related mortality is 30% lower among bike commuters,” paglilinaw nila. 

“This evidence is particularly relevant in a region where almost two-thirds of adults and 1 in 3 children are overweight or obese, according to the WHO European Regional Obesity Report 2022. Physical inactivity and obesity are important risk factors for noncommunicable diseases in the Region, accounting for almost 86% of deaths and 77% of the disease burden,” pagtatapos pa nila. 

Ang punto, bagaman at hindi mapipigilan ang paghantong sa kamatayan ng bawat nilalang sa mundo, mahalagang pahalagahan pa rin ang sarili para sa mga naghihintay na mga alaala at pag-iral sa bawat segundong nalalabi sa buhay ng bawat indibidwal.