June 04, 2026

Home BALITA Politics

Maximum tolerance kaming dalawa!' Sen. Robin, dedma na sa girian nila ni SILG Remulla?

Maximum tolerance kaming dalawa!' Sen. Robin, dedma na sa girian nila ni SILG Remulla?
Photo courtesy: contributed photo, mb file photo

Iginiit ni Sen. Robin Padilla na walang personal na alitan sa pagitan nilang dalawa ni  Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla matapos ang insidente ng tulakan sa Senado na naging usap-usapan sa social media.

Ito ay matapos makuhanan ng video ang komosyon sa loob ng Senado kung saan umano'y humarang si Remulla habang papalapit si Padilla sa isang grupo sa gitna ng tensyon sa paligid ng pagdinig.

Sa isang panayam, sinabi ni Padilla na bahagi lamang ng crowd control ang nangyari at hindi ito dapat bigyang ibang kahulugan.

"Kaming dalawa, maximum tolerance naman kaming dalawa. Parehas lang kami na, may trabaho siya, may trabaho ako. Ang mainam doon, nakita naman ng tao na wala namang nagbuhat ng kamay," ani Padilla.

Ayon sa senador, natural lamang ang pagkakaroon ng pisikal na pagtutulakan dahil sa dami ng taong naroroon at sa kaguluhang naganap sa lugar.

Politics

Sen. Alan, hinamon Tulfo brothers na harapin ang 18-ex Marines!

"Nagkaroon ng tulakan, siyempre kasi maraming tao, nagkakagulo eh. Ang importante walang nagbuhat ng kamay," dagdag niya.

Binigyang-diin din ni Padilla na wala siyang sama ng loob kay Remulla at nananatiling maayos ang kanilang relasyon sa kabila ng insidente.

"Crowd control kami ni Secretary. Kaibigan ko naman 'yon, wala naman kaming personal na away," aniya.

Nag-ugat ang isyu matapos kumalat ang mga video at larawan ng komosyon sa Senado kung saan makikitang nagkaroon ng pagtutulakan sa pagitan nI Remulla at Padilla kasama sina Sen. Pia Cayetano at 18-ex Marines para sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Gayunman, ayon kay Padilla, walang nangyaring pananakit at kapwa nila ginampanan ni Remulla ang kani-kanilang tungkulin upang mapanatili ang kaayusan sa gitna ng sitwasyon.

Matatandanag nilinaw ni Remulla na wala siyang hinarang na kahit na sino at papauwi na raw sana siya nang biglang dumating ang media kasama sina Padilla at Cayetano.

“I was alone about to go home. No police blocking force as with me,” ayon kay Remulla.

Paliwanag pa niya, “I was walking out when a herd of people started pushing me through the narrow hall.”

KAUGNAY NA BALITA: 'I was alone about to go home!' SILG Remulla, pinabulaanang hinarang sina Sen. Pia