June 04, 2026

Home BALITA Politics

'I was alone about to go home!' SILG Remulla, pinabulaanang hinarang sina Sen. Pia

'I was alone about to go home!' SILG Remulla, pinabulaanang hinarang sina Sen. Pia
Photo courtesy: MB File photo

Itinanggi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na hindi raw niya hinarang sina Sen. Pia Cayetano papasok ng sesyon ng Blue Ribbon Committee.

Sa kaniyang pahayag matapos ang insidente nitong Huwebes, Hunyo 4, 2026, dumipensa si Remulla at iginiit na tila naipit lang daw siya noon sa paparating na tropa ni Cayetano kasama ang 18-ex Marines.

“I was alone about to go home. No police blocking force as with me,” ayon kay Remulla.

Paliwanag pa niya, “I was walking out when a herd of people started pushing me through the narrow hall.”

Matatandaang nauna nang iginiit ni Cayetano na hinarang daw siya ni Remulla papasok ng Senado—bagay na hindi raw niyang inakalang mangyayari sa kaniya bilang isang senador.

Politics

Malacañang, muling nanindigan kay Sen. Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore, Acting Senate President

“May mga nagsasabing hindi papapasukin ang resource persons natin so kailangan ko po silang sunduin. Noong sinundo ko naman yung ating staff doon napakaayos naman…,” kuwento ni Cayetano.

Saad pa niya, “Nagulat lang ako kasi maayos naman sabi ko doon sa ating resource persons, 'Hali ka na, sinusundo ko kayo, let's go in.' Nagulat na lang ako noong nakita ko doon si Secretary Jonvic Remulla hinaharang ako.”

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Pia, hinarang umano ni SILG Remulla papasok ng Senado

Kasalukuyang isinasagawa nitong Huwebes ang muling pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa maanomalyang flood control projects. Ito ay sa kabila ng nangyaring pagbabago sa liderato ng Senado na ngayo’y dinodomina ng paksyon ni Senate President Pro Tempore at Acting Senate President Win Gatchalian.

Inaasahang sa susunod na linggo, Hunyo 8 muling magkakaroon ng pagdinig ang naturang komite sa pangunguna naman ni Sen. Erwin Tulfo bilang Blue Ribbon Committee Chair.