June 02, 2026

Home FEATURES Trending

ALAMIN: Mga sustansyang dulot ni 'Sharmaine'

ALAMIN: Mga sustansyang dulot ni 'Sharmaine'
Photo courtesy: Unsplash, BAET (TikTok screenshot)

“Overnight sensation” ang peg ni “Sharmaine,” ang bidang orange fruit sa skit ng content creator na si BAET. 

Mapapanood sa kauna-unahang viral skit na inireklamo ng orange sa kausap niyang mangga kung bakit gano’n ang pangalan niya.

Bakit naman daw ang mangga ay kulay dilaw pero ang pangalan ay mangga, kumpara sa kaniya na kinuha na lang ang pangalan niya base sa kaniyang kulay. 

Kaya nang itinanong ng kasamang mangga kung anong pangalan ang gusto niya para sa sarili, agad na sinabi ng orange na gusto na lamang niyang matawag na “Sharmaine.” 

MAKI-BALITA: Bakit ‘Sharmaine’ ang itinatawag ng netizens sa prutas na orange ngayon?

Trending

Kailangan bang magkasakit muna bago mag-leave sa trabaho?

Kaya mula sa social media, sinakyan na rin ng ilang malalaking supermarket at malls ang umusbong na “Sharmaine fever” kung saan, imbes na “Orange,” “Sharmaine” na ang itinatawag dito. 

MAKI-BALITA: 'Certified and notarized!' Supermarket sa isang mall sa Legazpi, nakisakay sa 'Sharmaine' trend

KAUGNAY NA BALITA: ‘Online 24/7?’ Anong ibig sabihin kapag ‘chronically online’ ka?

Bukod sa pagiging matunog sa online at real world, lumalabas sa iba’t ibang pag-aaral na ang oranges o “Sharmaines” ang itinuturing na “widely consumed” na prutas sa buong mundo dahil sa nutritional value nito. 

Ito ay mayaman sa vitamins, minerals, at plant compounds, partikular ang fiber, Vitamin C, potassium, at folate, na nakatutulong sa mga sumusunod na aspeto ng kalusugan: 

- Immune system function

- Pag-ayos ng balat sa pamamagitan ng collagen production

- Pagtulong sa digestion sa pamamagitan ng fiber content

- Mainam na pinagmumulan ng antioxidants para sa proteksyon ng cells o mga selula mula sa pagkasira. 

- Heart health sa pamamagitan ng potassium at flavonoids

- Pagbawas ng inflammation o pamamaga sa katawan

Isa pang benepisyo ng oranges ay ang pagkakaroon ng sapat na hydration sa katawan na nakatutulong sa mga sumusunod: 

- Mabilis na paglabas ng toxic wastes sa katawan 

- Pag-lubricate ng mga kasu-kasuan

- Regulasyon ng temperatura ng katawan

Sa kabila ng mga benepisyong ito, mahalagang tandaan na ang pagkain ng sobrang oranges ay maaaring magdulot ng allergic reaction o paglala ng gastroesophageal reflux disease (GERD).