June 04, 2026

Home BALITA National

Padre Pio Shrine, isa nang international shrine!

Padre Pio Shrine, isa nang international shrine!
(Photo courtesy of the Sto. Tomas, Batangas City Tourism Office)

In-elevate na ng Vatican ang National Shrine and Parish of Saint Padre Pio sa Batangas sa international shrine status.

Nabatid na nag-isyu ang Dicastery for Evangelization ng isang decree noong Mayo 25, 2026, na ika- 139th birth anniversary ni St. Padre Pio hinggil dito ngunit isinapubliko lamang ito ng parokya nitong Huwebes, Hunyo 4. 

Ito na ang ikalawang international shrine sa Pilipinas, kasunod ng una nang pagkakadeklara sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo City. 

Inilarawan naman ng mga opisyal ng simbahan ang naturang pagkilala bilang isang ‘milestone’ na inaasahang magpapalalim sa pilgrimage activity at magpapalakas sa debosyon ng mga Pinoy at foreign devotees. 

“May this historic milestone inspire us to deepen our faith and devotion as we journey together in prayer and thanksgiving,” anito. 

National

Integrated Bar of the Phils, sinabing 'lawful' at 'valid' ang quorum ng 12 senador

Pinaghahandaan na rin anila ng simbahan ang pormal na deklarasyon ng simbahan bilang international shrine sa Setyembre 23, na araw ng kapistahan ni St. Padre Pio.