“Napa-notaryo na ba ‘yan?”
Ito ang tanong na ikinaiinis ng bidang orange fruit sa skit ng content creator na si BAET dahil bagama’t marami na ang tumatawag sa kaniya ng “Sharmaine” sa social media, hindi pa rin niya ito maituturing na opisyal dahil hindi pa ito naipanonotaryo.
MAKI-BALITA: 'Certified and notarized!' Supermarket sa isang mall sa Legazpi, nakisakay sa 'Sharmaine' trend
Matatandaang ikinuwento ni “Sharmaine” sa kaibigan niyang mangga na pumila siya sa Philippine Statistic Authority (PSA), ngunit wala siyang kasamang abugado, hindi pa rin na-notaryo ang nais niyang pangalan para sa sarili.
Ang ikinaiinis pa niya rito, naunahan siya ng langaw na opisyal na raw na “Vanessa” dahil may kasama siyang abugado sa PSA.
MAKI-BALITA: Bakit ‘Sharmaine’ ang itinatawag ng netizens sa prutas na orange ngayon?
Dahil dito, ano nga ba ang “notaryo” at ang mga importanteng bagay na mahalagang malaman ng mga nais magpalit ng kanilang pangalan tulad ni “Sharmaine.”
Ang Notaryo o Notary Public ay isang opisyal na itinalaga ng isang bansa upang magsilbing testigo sa pagpirma ng mga legal na dokumento.
Tinitiyak ng isang notaryo na ang indibidwal na pipirma ay may kaalaman sa kaniyang mga dokumentong pipirmahan at boluntaryo itong gagawin.
Ayon sa lathala ng iba’t ibang law firms, ang notaryo ay ginagamit sa iba’t ibang dokumento tulad ng mga sumusunod:
- Real estate contracts
- Powers of attorney (PSA)
- Wills at trusts
- Affidavits
- Adoption papers
- Loan documents
Magkano magpa-notaryo sa Pilipinas?
Ang presyo ng pagpapanotaryo sa bansa ay depende sa uri ng dokumento at lokasyon nito.
Kadalasan, ang base fee sa pagno-notaryo ng mga dokumento ay ₱100 hanggang ₱300, at mayroon pang karagdagan charges mula sa verification, paghahanda ng mga kopya, at mismong pagsasagawa ng notarization.
Mga kinakailangan sa pagpapanotaryo?
1. Personal appearance ng affiant o principal at mga testigo.
2. Orihinal na kopya ng mga dokumentong ipapanotaryo.
3. Isang ID na mula sa ahensya ng pamahalaan, na mayroong pirma at litrato ng affiant o principal.
Ilan sa itinuturing na valid IDs ay ang mga sumusunod:
- Passport - Driver’s License
- PRC ID
- NBI Clearance
- Postal ID
- Voter’s ID
- GSIS e-Card- SSS ID- UMID- PhilHealth Card- Senior Citizen ID- Alien Certificate of Registration Card
Kung walang valid ID ang affiant o principal, ang pagno-notaryo ay matutuloy lamang kung mayroong “third person” na personal na kilala nito o kaya’y dalawang testigo na personal ding kilala ng affiant o principal at mayroong valid IDs.