October 11, 2024

Home BALITA National

Abalos, ibinalandra na mukha ni Quiboloy sa mugshots: 'No one is above the law!'

Abalos, ibinalandra na mukha ni Quiboloy sa mugshots: 'No one is above the law!'
Apollo Quiboloy mugshots (Photo: DILG Sec. Benhur Abalos/FB)

“No one is above the law.”

Ito ang iginiit ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos matapos niyang ibalandra ang mukha ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy sa mugshots nito.

Base sa Facebook post ni Abalos nitong Martes, Setyembre 10, ipinakita ni Abalos ang hindi blurred na mugshots ni Quiboloy at mga kapwa akusado nitong sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Ingrid Canada, at Sylvia Cemanes.

“‘No one is above the law.’ Ito po ang opisyal na mugshot nina Apollo Quiboloy at iba pa, kaugnay ng kanilang mga kinakaharap na kaso sa ating bansa,” ani Abalos sa kaniyang post.

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Unang inilabas sa publiko ang mugshots nina Quiboloy upang maprotektahan umano ang “dignidad” ng mga akusado.

“Remember, they are also presumed innocent hanggang mapatunayan natin na sila ay guilty,” ani Police Spokesperson PCol. Jean Fajardo.

Matatandaang noong Setyembre 8 nang maaresto si Quiboloy sa compound ng KOJC matapos ang ilang linggong paghalughog doon ng pulisya.

Ayon kay DILG Abalos, nahuli si Quiboloy, ngunit iginiit naman ng abogado ng pastor na si Atty. Israelito Torreon na sumuko raw ito.

MAKI-BALITA: 'Nahuli na si Pastor Quiboloy!'—Abalos

MAKI-BALITA: DILG Sec. Abalos, sinabihang 'epal to the highest level' ni Atty. Topacio

MAKI-BALITA: Abogado, nagsalita kung bakit sumuko kliyenteng si Quiboloy

Samantala, iginiit naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na napilitan lang daw lumitaw si Quiboloy dahil “malapit na ang mga pulis sa kaniya.”

MAKI-BALITA: 'Hindi sumuko!' PBBM, iginiit na napilitan lang lumitaw si Quiboloy

Nahaharap si Quiboloy sa mga kasong tulad ng sex trafficking at sexual abuse.

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Pastor Apollo Quiboloy saga