December 23, 2024

Home SPORTS

EJ Obiena, hindi sanay masabihang pogi

EJ Obiena, hindi sanay masabihang pogi
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT)

Tila naninibago pa rin daw ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena kapag napupuri ang kaniyang face appearance.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, Setyembre 5, inamin ni EJ na hindi raw niya alam ang mararamdaman kapag sinasabihan siyang pogi.

“Medyo marami. ‘Di ako nasanay, Tito Boy. I don’t know how to feel. I don’t even know how to feel. It’s a bit odd,” saad ni EJ.

“May kaklase ako like before. Sabi niya: ‘yong parents mo hindi naman pangit, bakit ang pangit mo?’” wika niya.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Dagdag pa ng Filipino pole vaulter: “Kaya it’s weird for me. Like, to be honest po.”

Pero ayon kay Boy: “No, but iba ang appeal, you know. Kapag pinapanood ka namin, aside from representing the country, ang dami-daming naku-cute-an sa ‘yo.”

Matatandaang naiposisyon ni EJ ang sarili sa ikaapat na puwesto sa ginanap na pole vault finals sa Paris Olympics 2024 kamakailan.

MAKI-BALITA: EJ Obiena, nagpasalamat sa suporta: 'I will get back up'