May 21, 2026

Home FEATURES Lifehacks

ALAMIN: Tips upang maprotektahan ang sarili mula sa panganib ng ashfall ayon sa DOH

ALAMIN: Tips upang maprotektahan ang sarili mula sa panganib ng ashfall ayon sa DOH
Photo courtesy: Municipality of Camalig, Albay via Caloy G Baldo (FB)

Nananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ngayong ngayong Linggo, Mayo 3.

Kasunod ito ng pag-aalburoto ng Mayon noong hapon ng Sabado, Mayo 2, na nagdulot ng mabigat na ashfall, pagkawala ng ilang hayop tulad ng baka at kalabaw, at pagkamatay ng mga pananim sa Albay. 

MAKI-BALITA: Camalig LGU, pinag-iingat mga residente sa heavy ashfall dulot ng Mayon

KAUGNAY NA BALITA: Mga hayop, pananim lubos na apektado ng Mayon volcano ashfall

KAUGNAY NA BALITA: PNP, pinaigting pagbabantay, tulong sa mga naapektuhan ng ashfall sa Albay

Lifehacks

ALAMIN: ‘Life hacks’ para maibsan ang stress sa araw-araw

Dahil dito, nagbaba ng mga paalala ang Department of Health (DOH) upang maalagaan ng publiko ang kanilang kalusugan mula sa panganib ng ashfall.

1. Magsuot ng face mask, partikular ang N95 o basang tela upang salain ang maliliit na particles na maaaring magdulot ng iritasyon sa ilong, lalamunan, at baga. 

2. Iwasang lumapit sa Permanent Danger Zone ng Mayon dahil sa mas mataas na konsentrasyon ng nakalalasong usok. 

3. Isara ang mga pinto at bintana sa bahay gamit ang basang tela. 

4. Manatiling hydrated upang mabawasan ang iritasyon sa lalamunan, bibig, at baga. 

5. Maging alerto sa balita at antabayanan ang abiso ng PHIVOLCS o local government unit (LGU). 

Idinagdag din ng DOH na nakatutulong pagsusuot ng long sleeves at pantalon upang matakpan ang balat. 

Gayundin ang pagsusuot ng salamin o goggles upang maproteksyonan ang mga mata.

Ipinapaalala pa ng DOH sa publiko na iwasan muna ang pagwawalis ng tuyong abo at kapag ligtas nang maglinis, ipinapayong huwag kalimutang gumamit ng gloves at wisikan ng kaunting tubig ang abo upang hindi ito kumalat sa hangin. 

Samantala, nasa halos 10,000 face masks na ang naipamahagi ng DOH at Provincial Health Office ng Albay bilang proteksyon ng mga mamamayan sa ashfall.