May 14, 2026

Home BALITA Probinsya

Mga hayop, pananim lubos na apektado ng Mayon volcano ashfall

Mga hayop, pananim lubos na apektado ng Mayon volcano ashfall
Photo courtesy: Mayor Caloy G Baldo/FB


Lubhang apektado na rin ng uson at abong dala ng bulkang Mayon ang ilang mga hayop at pananim sa iba’t ibang bahagi ng Albay, partikular na sa munisipalidad ng Camalig.

Sa isang Facebook post na ibinahagi ni Camalig, Albay Mayor Caloy Baldo sa kaniyang official at verified page nitong Linggo, Mayo 3, inilahad niyang isinasagawa na ng lokal na pamahalaan ang isang assessment upang matukoy ang kabuuang epekto ng nasabing ashfall.

“Vegetation in some areas has begun to wither under the weight of ash, while some livestock, including cows and carabaos, were reported dead due to prolonged exposure,” saad ni Mayor Baldo sa kaniyang post.

Aniya, “Farmers said the sudden impact has disrupted their primary source of income, raising concerns over food supply and livelihood recovery as LGU-Camalig continue to assess the full extent of the damage.”

Base sa inisyal na imbestigasyon, naiulat na ang pagkamatay ng limang kalabaw at dalawang baka bunsod ng ashfall sa munisipalidad.

Samantala, isang baka at kalabaw naman ang nawawala pa rin hanggang ngayon.

Sa hiwalay na abiso ng mayor nito ring Linggo, Mayo 3, pinaalalahanan niya rin ang mga residente na mag-ingat sa posibleng epekto ng ashfall sa kalusugan ng bawat isa.

“The public is advised to stay indoors until authorities declare it safe. If going outside is necessary, wearing N95 masks is strongly recommended to prevent respiratory issues and other health complications caused by ashfall,” anang mayor.

MAKI-BALITA: Camalig LGU, pinag-iingat mga residente sa heavy ashfall dulot ng Mayon-Balita