May 21, 2026

Home BALITA Probinsya

Camalig LGU, pinag-iingat mga residente sa heavy ashfall dulot ng Mayon

Camalig LGU, pinag-iingat mga residente sa heavy ashfall dulot ng Mayon
Photo courtesy: Mayor Caloy G Baldo/FB


Nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Camalig, Albay sa mga residente nito matapos ang pagbuga ng bulkang Malyon ng pyroclastic density currents o “uson,” na siyang kumalat sa karatig-bayan at lugar sa Albay.

Sa isang pahayag na ibinahagi ni Camalig, Albay Mayor Caloy Baldo nitong Linggo ng umaga, Mayo 3, inabisuhan niya ang mga residente ng kaniyang nasasakupan na manatili sa kanilang tahanan sa gitna ng pagkalat ng abo at uson.

“At around 5:38 PM yesterday, May 2, a lava flow collapse on the volcano’s southwestern slopes triggered a pyroclastic density current, sending ash drifting over the town and nearby municipalities,” saad ni Mayor Baldo sa kaniyang pahayag.

“The public is advised to stay indoors until authorities declare it safe,” dagdag pa niya.

Anang mayor, magsuot ng N95 mask kung talagang kinakailangang lumabas ng bahay upang maiwasan ang maaaring idulot nitong pahamak sa katawan.

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!



“If going outside is necessary, wearing N95 masks is strongly recommended to prevent respiratory issues and other health complications caused by ashfall,” anang mayor.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), sa kasalukuyan ay nasa ilalim pa rin ng Alert Level 3 ang bulkang Mayon bunsod ng mga aktibidad nito gaya ng ash emissions at lava flow.