May 22, 2026

Home BALITA Probinsya

PNP, pinaigting pagbabantay, tulong sa mga naapektuhan ng ashfall sa Albay

PNP, pinaigting pagbabantay, tulong sa mga naapektuhan ng ashfall sa Albay
Photo courtesy: PNP Kasurog Bicol via PNP/FB


Patuloy ang monitoring operations na isinasagawa ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng napaulat na ashfall na dala ng pag-alburuto ng bulkang Mayon noong Sabado, Mayo 2.

Base sa ulat ng PNP nitong Linggo, Mayo 3, nagpadala na sila ng mga pulis na magbabantay sa traffic conditions ng mga apektadong lugar, at aagapay upang matiyak na ligtas ang mga residente sa ashfall.

Batay pa sa pulisya, sila ay tumutulong din sa pamamahagi ng face masks, at nagpapaalala sa publiko ng mga maaaring epekto ng uson at abo sa kalusugan ng tao.

Anang PNP, katuwang nila sa operasyon ang Office of Civil Defense (OCD), local government units (LGUs), at maging disaster response offices.

Sa isang pahayag naman, iginiit ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr. na walang-tigil ang kanilang pagsaklolo upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

“Patuloy ang ating pagbabantay at pagtulong sa ating mga kababayan. Ang kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing layunin. Hinihikayat namin ang publiko na sumunod sa abiso ng mga awtoridad at umiwas sa mga delikadong lugar,” saad ni Nartatez.

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!



Anang hepe, mananatili rin ang presensya ng kapulisan sa key areas ng nasabing ashfall, kabilang na ang Camalig, Guinobatan, at Ligao City.