May 16, 2026

Home BALITA Politics

Congressmeow, balik-Kamara na; umaasang 'di na siya masuspinde!

Congressmeow, balik-Kamara na; umaasang 'di na siya masuspinde!
Photo courtesy: Screenshot from Kiko Barzaga (FB)

Nagbigay ng pahayag si Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga kung sakaling tuluyan siya ng ma-expel or patawan ng ikatlong suspensyon sa muli niyang pagbabalik sa Kamara.

Sa panayam ng media kay Barzaga nitong Lunes, Mayo 4, 2026, iginiit niyang magiging maayos naman daw ang kaniyang katayuan kung sakaling muli siyang masususpinde, ngunit iginiit niya ring umaasa siyang hindi na siya magkakaroon pa ng ikatlong suspensyon.

“Even if I lose my job in Congress, I’m pretty sure I’ll be fine since I have plenty of other opportunities,” ani Barzaga sa media.

Hirit pa niya, “I’m glad to be back. Hopefully walang suspension or expulsion.”

Matatandaang noong Disyembre 1, 2025 nang unang nasuspinde si Barzaga bunsod umano ng mga kontrobersyal niyang social media post, kabilang ang mga naging tirada niya laban sa kasalukuyang administrasyon.

Politics

'Mas importante sa inyo ang 2028!' SP Cayetano, binanatan Senate Minority bloc

KAUGNAY NA BALITA: 'Guilty sa ethics complaint!' Kiko Barzaga, 60 araw suspendido, wala ring suweldo

Matapos ang 60 araw, nasundan pa muli ito ng ikalawa pang suspensyon dahil umano sa naging paulit-ulit na paglabag ni Barzaga sa mga social media posts niya. 

Pebrero 2026 noong ipinataw ang ikalawang suspensyon laban kay Barzaga.

Sa kabila nito, naninindigan si Barzaga na nakatakda raw niyang tanggapin ang anumang ipapataw sa kaniya ng aniya’y “House of Crocs.”

Isa si Barzaga sa mga personalidad na nag-uugnay kay dating House Speaker Martin Romualdez hinggil sa kinalaman umano niya sa anomalya sa kontrobersyal na flood control projects.

Noong Setyembre 2025 nang magsimulang tuligsain ni Barzaga ang noo’y liderato ni Romualdez matapos ang naging pagkalas niya noon sa kaniyang partido sa National Unity Party bunsod umano ng akusasyon sa kaniyang nag-uugnay na patalsikin niya noon sa puwesto si Romualdez.

KAUGNAY NA BALITA: Romualdez, 'di keri mabantayan dahil sa kakatutok sa impeachment—Rep. Barzaga